Chapter 58: Answer

49 3 0
                                    

Chapter 58

Answer

Kylie's.

Puro hiyawan lamang ang naririnig ko dito sa gym at isa na rin ako sa mga humihiyaw. Naalala ko ang mga araw na sinuportahan ako ni Mitchie sa pagtakbo ko sa posisyon ng SSG President.

Now, it's my time to support her. Intramurals Week na namin ngayon kaya the past few weeks ay talagang naging busy ang SSG lalo na si Ace. Ang dami kasi nilang kailangan asikasuhin lalo na at bukas naman ang founding anniversary ng Cambridge Academy.

Kaya kinakailangan umuwi muna ni Mommy sa Australia para doon icelebrate ang founding anniversary ng Cambridge. Namiss ko tuloy bigla si Shanley and Cassey. Paminsan kaming nagvivideo call tuwing gabi and seeing them makes me miss the Australia. Lalo na sila and the times we spent together.

Kaya nangako si Mommy na magvivideo call din kami pagdatin niya doon at isasama niya sila Shanley and Cassey.

Kasalukuyan kaming nasa bleachers ngayon ng gym habang nanonood sa laban ni Mitchie. Sayang nga lang at hindi napili si Mitchie lumaban sa ibang school pero okay lang din naman sa kaniya. Nirequest niya rin pala kay Justin 'yon dahil mas gusto niyang magfocus muna sa academics. She's excelling well in class and I'm proud of her.

"Go, Mitchie!" napasigaw na ko ng malakas nang mai-smash niya ang shuttle cock na pinalo sa kaniya ng kalaban at naghiyawan din ang lahat ng nasa bleacher. 

Kasalukuyan kong katabi si Ace ngayon at napapahiyaw din siya para kay Mitchie. Si Justin din na nasa kaliwa ko ay kahit hindi humihiyaw eh nakikita kong napapangiti siya sa bawat tira ni Mitchie. He's a supportive boyfriend and coach at the same time. Si Kuya Jake naman ang nagsilbing referee nila. Ang assigned student naman sa sports club ang nagsilbing line judge. Siya ang nagsasabi kung in or out ang shuttle cock sa court.

Lamang na ang team nila Mitchie ng 5 points sa kalaban. Doubles kasi ang laro at aaminin kong magaling din ang kasama ni Mitchie. They made a good team. 

Actually, hindi ako kinakabahan sa game na 'to dahil kumpiyansa ako kay Mitchie na maipapanalo niya 'to. This is the final game at kung sino ang manalo ngayon, sila ang team na tatanghaling champion at bukas naman ang founding anniversady kasabay na din ng awarding. 

Tita Minerva also invited us into their mansion. Mamayang gabi mangyayari iyon at kasama namin si Mommy dahil gabi din ang magiging flight niya papuntang Australia. So we'll have dinner first. 

Pumito si Kuya Jake at tinuro ang team nila Mitchie. He announced that they're the winner. Hindi ko na napigilan ang mapatili at tumakbo papunta kay Mitchie. I hugged her so tight habang tumatalon at umiikot-ikot kami. Yes, para kaming baliw but this is how we show our enthusiasm to the game.

"Congrats! I'm so proud of you!" hindi ko napigilan maibulalas.

Napapadyak din siya sa kilig. "Magaling ang coach ko eh," turo niya pa kay Justin kaya parehas kaming natawa.

Akbay ko si Mitchie habang naglalakad na kami palabas sa gym. 

"MagCCR lang muna kami," paalam ni Mitchie sa dalawa. 

Kailangan pa kasing magpalit ng damit ni Mitchie dahil medyo pawis siya. 

"Sige. Mauna na kami sa garden. Tambay tayo doon," sabi ni Ace at hinila na si Justin papunta doon. 

Dumiretso naman kami sa CR at pumasok na si Mitchie sa cubicle. I just powdered my face infront of the mirror. We stayed there for minutes before going out. Pero nang makalabas kami ay may nakasalubong kaming estudyante na tumigil sa harap namin kaya automatic na rin kaming napatigil.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon