Chapter 49
Living in One Roof
Mitchie's.
Napag-alaman namin na plinano pala talaga nila Ace and Justin ang kaganapan sa garden kanina. Iyon daw ang naudlot nilang surprise sa'min. Sa ganoong paraan dapat kami magkakabati ni Kylie pero dahil nagkabati na kami sa hospital pa lang, hindi na raw sana matutuloy ang sa garden pero mas pinili nilang ituloy pa din kahit nagkaayos na kami.
Sabi nila, sa garden raw mas lalong tumatag ang friendship namin ni Kylie. At sa garden din kami nagsimula. Sa garden din kami nag-away. Sa garden ko rin siya tinalikuran. This place has been so memorable for us, magkahalong masaya, malungkot at masakit na alaala ang namutawi sa garden na 'to.
An untold story that only the four of us know.
Nandito ako ngayon sa condo ni Kuya Charlie habang nakaupo sa sofa at yakap ang pillow.
"I don't know where to go," bulalas ko habang busy si Kuya mag-laptop sa dining table.
Magkaharap lang kasi ang sala at dining area niya dito kaya malaya kaming nakakapagusap kahit hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa.
Kuya's eyes are focused at the laptop while typing something. He is wearing a radiation glass at seryoso talaga siya sa ginagawa niya. Hindi ko nga alam kung sa school pa ba 'yan or sa trabaho niya.
Umayos ako sa pagkakaupo and roamed my sight around his condo unit. Dahil hindi naman ako pinapansin ni Kuya dahil busy siya, maglilibot-libot na muna ako dito sa condo unit niya dahil ngayon pa lang ako nakapunta. Kuya learned to be independent when his parents went back to the States.
Naglakad ako papunta sa aparador niya. May mga frames na nakadisplay doon at family picture nila iyon. Meron ding picture namin at meron ding picture na siya lang mag-isa na "Hollywood" ang background sa photo.
Gosh, I miss the States.
Makakabalik ulit ako doon kapag ako na ang maghahandle sa boutique, diba? Bigla akong naexcite sa thought na 'yon. Wearing a coat and boots everyday excite me. And, of course, meeting customers and entertaining them to buy the brands they want.
Pumunta ako sa kwarto ni Kuya at pinihit ang door knob nito. Nilingon ko siya at busy pa rin siya sa harap ng laptop kaya pumasok na ko sa loob para ituloy ang condo unit tour ko sa kaniya. Ang linis talagang lalaki ni Kuya. Wala kang makikitang kapintasan sa condo unit niya at halatang naaalagaan ng maayos.
Umupo ako sa paanan ng kama niya at maya-maya humiga. I spread my arms at his bed's comfortable comforter. Sobrang lamig at ang sarap mahiga sa kama niya, ang sarap din tuloy matulog.
I rolled around the bed until I slammed myself in the floor. Natawa na lang tuloy ako dahil sa sakit ng pagkabagsak ko pero hindi ko inalintana ang sakit dahil carpeted naman ang floor ni Kuya. Napahawak na lang ako sa balakang ko at natawa ulit. Sa sobrang bored ko, para na tuloy akong ewan dito.
Inikot ko ang leeg ko at may narinig pa kong nagcrack na buto. Nabaling ang atensiyon ko sa bedside table ni Kuya. There are documents scattered in the table. Sa loob ng kwarto niya, ito lang ang magulo. Well, not totally. Pero hindi maayos ang pagkakalagay ng mga papel. Parang nilapag lang basta-basta ng kung sino at hindi na nag-abalang ayusin pa ang pagka-pile up ng documents.
I walked towards it and my lips parted when I discovered that it was my documents. Dokumento iyon tungkol sa'kin. Nandoon rin ang copy ng last will ni Mommy. Lahat ng mga pinamama sa'kin, lahat ng arian ni Mommy na binigay sa'kin.
Her credit cards.
Her condo unit.
Hindi na ko naka-react sa sobrang gulat. Parang ngayon ko lang ata nakita ang mga dokumentong ito? Sa sobrang busy at occupied siguro ng isip ko sa mga nagdaang araw dahil kay Mommy, hindi ko naisip na may mga binigay pala siya sa'kin na maaaring makatulong sa pagiging independent ko.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Novela JuvenilCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...