Chapter 52:
Preparation
Mitchie's.
I was staring nervously at the mirror, thinking where should I start. Maaga akong nagising ngayon, the most unusual thing I'd do. 6AM na pinaka-maaga kong gising and ngayon, 5AM pa lang pero gising na ko. Dilat na dilat ang mata ko sa tapat ng salamin. Naka-dim ang ilaw at tahimik ang buong paligid dahil kaming dalawa lang naman ni Kylie dito.
Nagtabi kami matulog kagabi at nagkaroon pa ko ng insomnia kaya sinamahan ako ni Kylie manood ng netflix hanggang sa nakatulog na siya. Nakatapos na lang ako ng isa at dalawang movie pero hindi pa rin ako inantok kakaisip sa debut ni Justin!
Tingin ko ay nagkaroon lang ako ng dalawang oras na tulog, feeling ko nga din na hindi naman tulog 'yon. Parang pinikit ko lang mata ko sandali.
Immortal na ba ko at hindi man lang ako inaantok? O buhay na buhay lang talaga mga senses ko kakaisip sa kung anong mangyayari ngayong araw?
Well today is January 21, Justin's debut party will happen later. Mamayang gabi na.
Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. OA na kung OA eh sa OA talaga ko. I can't help but get nervous! Hindi naman na siguro kailangan na ipakilala pa ko sa buong clan niya pero nakakahiya naman kung aatras ako? Ano na lang ang sasabihin nila sa'kin.
Inayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin habang humihinga ng malalim. Pinapakalma ko ang sarili ko but it seems like it was no use since my heart is still beating fast inside my chest.
Lumabas na lang ako ng kwarto at uminom ng kape. Habang hinahalo iyon, bigla akong napatigil. Wtf is wrong with me? Ninenerbiyos na nga ko, nagawa ko pang uminom ng kape. I held my head frustratedly but still stirred the coffee, anyway. Natimpla ko na eh, so might as well, inumin na lang din. Sayang din, ah.
Alas sais na at hindi pa rin gising si Kylie kaya napagdesisyunan kong magluto na lang ulit ng breakfast namin. Mamayang tanghali siguro ay sa labas na kami kakain dahil pupunta si Kylie kay Tita Tine para magpa-ayos at ako naman, sa salon lang magpapa-ayos.
Habang hinahalo ang ginigisang corned beef, nalungkot ako bigla nang sumagi sa isip ko si Mommy. She should've been the one to fix myself in occasion like this pero ngayon, dumedepende na lang talaga ko sa sarili ko. Huminga na lang ulit ako ng malalim para mapigilan ang pagtulo ng nagbabadyang luha.
Ang hirap talaga kapag walang Mama. In every phase of our lives, we need a Mom. And in my case, nawalan agad ako ng Mama pero kinakailangan ko pa din siya kahit nasa kabilang buhay na siya.
Sometimes, I ask myself and I doubt my life if why are these kinds of things happen to me:
I lost a Mom.
My Dad cheated.
I lived independently.
Like, what are the purpose of all these? Nalulungkot pa rin ako everytime naiisip ang sinapit ng pamilya namin. Sometimes, I would miss my Dad and will have the temptation to go back in our house… pero pinipigilan ko din ang sarili ko na gawin 'yon.
Isa pa sa nagpapalungkot sa'kin ay ang the fact na lumayas ako pero hindi man lang ako hinanap ni Daddy. Kuya Charlie also told me that my Dad never asked him about me. Wala man lang ba siyang pake na umalis ako? Hindi niya man lang ba naisip na nandito ako sa condo ni Mommy?
Sometimes, there are days that I would expect him to show up outside my door, begging me to come home… pero ilang araw na lang ang nagdaan. Dumaan na lang ang pasko at bagong taon… he never showed up. No signs of him.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Teen FictionCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...