Chapter 50: Holidays

43 3 0
                                    

Chapter 50:

Holidays

Kylie's.

Days pass by so quickly. Last month nang manirahan kami ni Mitchie sa iisang condo unit. I decided to live with her. Besides, napag-usapan namin ni Mommy kung patuloy ba akong titira kay Papa o pwede rin akong tumira sa kaniya. Ang naging desisyon ko ay tumira kasama si Mitchie na sinuportahan naman nila. I'm happy with the decision I made.

I don't want to continue living in my father's house and burden my Mom (kahit hindi niya aminin, alam kong masasaktan siya doon.) I also don't want to live with my mom because it will burden my Dad. I can see it in his eyes.

To avoid complication from them, I'll live with my best friend instead.

Sa loob ng isang buwan, unti-unti na kaming natututo ni Mitchie sa mga gawaing-bahay. Madalas ako ang nagluluto at maglilinis naman siya. Minsan naman, siya ang magluluto at ako ang maglilinis. Puro process food pa lang din ang niluluto namin dahil hindi pa kami marunong sa mga putahe. Ayan tuloy at tiis-tiis muna talaga kami.

At ngayon, naging busy na naman kami dahil December na at week of exam.

We are currently taking our exam today kaya tahimik ang buong classroom. May mga estudyanteng pasimpleng umuubo at ayun lamang ang tanging ingay na maririnig. Seryoso kami lahat mag-take ng exam dahil after ng week na 'to, bakasyon na. Sa wakas!

After almost half an hour, natapos na din kami. Napaunat na lang ako at tiningnan ko si Mitchie sa tabi ko na nakatungo ang ulo sa mesa habang natutulog. Kanina pa ba siya tapos? Naunahan niya ko, ah? Pakiramdam ko talaga na magkakaroon na din ng pwesto si Mitchie sa honor roll dahil saksi din ako sa sinipag niya sa pag-aaral. Nakatulong din talaga na nagkasama kami sa condo unit dahil madalas doon kami nag-aaral, kasama pa namin si Ace.

Wala na talagang kumpetisyon sa'ming dalawa. May the best valedictorian wins na lang.

Pinasa na namin ang mga papel namin at sabay kaming lumabas ni Mitchie sa classroom habang humihikab pa siya. Nakapuyatan niya siguro ang pagrereview kagabi. Dahil exam lang namin ngayon kaya naging maaga ang uwian. Niyaya ko si Mitchie na pumunta sa office ni Mommy dahil may ipapakilala daw siya sa'min kaya sumama naman siya.

Dumaan muna kami sa CR at nag-ayos ng sarili bago dumiretso sa office ni Mommy at kumatok.

I opened the door to her office and there I saw a man sitting infront of her desk. Medyo malaki ang built ng katawan ng lalaki, maputi rin siya at naka-cap pa. Humarap siya sa'min at ngumiti siya nang makita niya kami.

"Oh, Kylie. Come in," pagpasok sa'min ni Mommy kaya pumasok na kami ni Mitchie sa loob.

"This is Jake, your cousin," pagpapakilala ni Mommy sa lalaking nasa harap niya.

He waved his hand and gave me a sly smile. I gave him an awkward smile. May nakilala na naman akong pinsan ko. Kaninong anak kaya siya?

"Oh, hey, Mitch!" kinawayan niya din si Mitchie sa likod ko. Gulat akong napalingon kay Mitchie.

"Kilala mo siya?" I whispered.

She nodded slowly. "He's Justin's older brother."

Nanlaki na naman ang mata ko. How come I didn't know that! May kapatid pa pala si Justin. All I thought is he's my only cousin here.

Hinarap ko ulit si Kuya Jake. "Nice to meet you," I politely greeted him now.

He chuckled as a response. "Yes. Nice to meet you too."

Mom smiled at us. "I'm sorry I didn't inform you about him, Kylie."

Tumango lang ako kaya napatingin naman ngayon si Mommy kay Mitchie at napakunot siya ng noo.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon