Chapter 27: Rage

92 5 0
                                    

Chapter 27:

Rage


Kylie's.

Hindi ko na alam ano ang nangyayari. Naguguluhan na ako sa sarili ko lalo na sa mga nararamdaman ko. Gusto kong ilabas ito lahat dahil sasabog ako kung hindi ko magagawa. It’s frustrating.

I stared silently at the ceiling of my room. Hot liquids of tears fell directly from my eyes.

Kakauwi ko lang galing kina Mitchie. Natulog kami sa camping tent kagabi, nakahiwalay si Kuya Charlie sa ‘min. Umalis ako nang walang paalam dahil nahirapan akong matulog pagkatapos kong paalisin si Ace. Hindi na nga rin nagawang magtanong ni Mitchie kung bakit biglang nawala si Ace. Nagdahilan na lang ako na umuwi na siya at hindi siya pwede mag-sleep over.

Hindi ko kinayang manatili doon ng matagal kaya umuwi rin agad ako nang hindi pa nagigising si Mitchie. I feel indifferent, and it’s frustrating because I’ve come to the point where I couldn’t name my emotion.

While laying in this bed, everything that happened to me and everything that I discovered for the past days came all rushing at me.

I remembered our happy memories with Ace, when all I thought our friendship was real, then I found out that he was just being paid to get close to me.

And then, my mom. Noong malaman ko na siya ang mama ko, I thought everything was fine. Akala ko magiging okay na ang buhay ko. 

But then Dad happened, and I found out about their deal. Pinagkaperahan nila akong dalawa like I was a fucking thing for bidding.

I chuckled mockingly as my tears continue to flow. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Mapa-school man o bahay. Feeling ko wala na akong lulugaran. Niloloko na lang ako ng mundo. I feel betrayed! 

I heard a crashing noise in the wall. Hindi ko napansin na naibato ko na pala ang alarm clock ko sa pader dahil sa nagbubugsong damdamin. Mas nakaramdam ako ng galit at ang kagustuhang ibato ang lahat ng gamit dito.

My tears fell angrily and I stood up while slamming everything I touch. Inubos ko ang gamit sa bedside table ko. Even the lamp! 

Binuhos ko lahat ng emosyon ko sa pagbabalibag ng mga gamit sa kwarto. Gusto kong ilabas itong emosyon na nakadagan sa dibdib ko at nagpapasikip nito.

I fucking hate the world. I fucking hate my life. I fucking hate everyone! 

I keep on screaming and crying angrily while my emotions are overflowing and it became uncontrollable! Matagal kong tiniis at ngayong nailabas ko na, I feel so free. Everything came at me, it became difficult for me to handle them all at once. My mind is going crazy. I am going crazy.

Nakakagaan pala sa pakiramdam ang may naibabato ka dahil doon napupunta ang galit mo. Pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa puso ko. I am still crying angrily and screaming my pain away.

Nang mapagod sa paghagis ng mga gamit, humagulgol na lamang ako. I don’t know how to get this pain out of my system! It’s suffocating me.

Napaupo na lamang ako sa sahig at idinantay ang ulo sa kama, pagod na pagod sa lahat. I’m not the nicest person in the world, but I don’t think I deserve to be in the situation where everything suffocates me. 

I screamed one last time to release my frustrations before I heard a loud knock from my door.

I don't seek attention pero nawala sa isip ko na nandito pa nga pala si Papa sa bahay ng ganito kaaga at magkatabi lang din ang kwarto ko saka opisina niya sa bahay. Malamang at narinig niya ang mga kalabog sa kwarto ko, and I honestly don’t care.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon