Chapter 41: Smile

69 4 1
                                    

This chapter is dedicated to andreyhakitkat1 Thank you so much for supporting and appreciating this story. 😘

---

Chapter 41:
Smile

Mitchie's.

Nakatulala lamang ako sa labas ng kotse habang umaandar ito. Hindi ko napapansin ang mga dinadaanan namin dahil nakatingin lang ako sa kawalan. Isa na lang akong lantang gulay ngayon na wala ng buhay.

I'm still breathing but I don't feel like I'm still living anymore.

Wala ng saysay ang buhay ko simula nang... mawala siya.

Just the thought of her makes me cry in an instant. Hinayaan ko na lamang ang pagbagsak ng luha ko dahil wala rin namang saysay kung pupunasan ko pa. Patuloy pa rin itong tutulo at mag-aaksaya lamang ako ng lakas kung pupunasan ko pa.

Tumigil na ang kotse at hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami at nakapasok sa memorial park. Ang bodyguard ko lamang ang kasama ko ngayon dahil gusto kong mapagisa kasama si Mommy.

Even calling her name makes me in pain dahil alam kong sa mga susunod na taon, araw, linggo at buwan ay wala na kong matatawag na Mommy.

Bumaba si Kuya Nestor sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto dito sa back seat. Sinabihan ko siya na huwag magpapark sa tapat ng puntod ni Mommy kaya ito at medyo nasa malayo siya naka-park.

Bumaba na ko at sinuot ang sunglasses ko na naka-headband kanina sa buhok ko. I'm wearing a long black dress na may black scarf na nakapalibot sa leeg ko. Black din ang sunglasses ko.

Araw-araw na lang ata akong naka-black, senyales na nagluluksa pa rin ako hanggang ngayon. For the past four days, hinarap ko ang sitwasyon na ito ng mag-isa...

Nandiyan si Kuya Charlie.

Nandiyan si Ace.

Nandiyan si Justin.

Pero wala sa kanila ang kayang makapagpawi ng pagdadalamhati na nararamdaman ko. Walang sinuman ang makakapagpawala nito kaya pakiramdam ko na mag-isa pa din ako. Pero naaappreciate ko ang presence nila sa buhay ko dahil kahit papaano nararamdaman ko na may kasama pa din ako.

Ako lamang ang mag-isa dito sa memorial park, suot ang black stilettos ko na tumatama sa bawat damo na madaanan ko. Nagpaiwan si Kuya Nestor sa kotse dahil tulad nga ng sabi ko, gusto ko muna mapag-isa at ma-solo si Mommy.

I stopped infront of the mausoleum. Mag-isa lamang si Mommy dito dahil ginawa naming espesyal ang magiging tutuluyan niya. Ang mausoleum ay parang bahay sa pumanaw na. Nakapwesto sa loob ng bahay ang kaniyang puntod. Request ko rin iyon kay Daddy para tuwing bibisitahin namin si Mommy, nasa iisang bahay pa din kami. Mararanasan ko pa din na nasa iisang bahay kasama siya.

Kinuha ko na ang susi at binuksan ang gate sa mausoleum. Sinara ko din agad ito nang makapasok ako. I sighed as I walked infront of her grave and removed my sunglasses. Nagsindi ako ng tatlong kandila sa candle stand at nilagay ito sa harap niya. Nilapag ko din ang mabangong mga bulaklak na nabili ko sa flower shop at nilapag sa taas ng puntod niya. I stared at her grave as I remembered our last days with her.

Two days after makaalis ni Kylie ng Pilipinas, nalaman iyon ni Mommy habang nakahiga siya sa kama at pinupunasan ko ang katawan niya. Pumayat na siya at wala na rin siyang buhok dahil sa chemotherapy niya. Napatigil ako sa pagpunas ng katawan niya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Are you okay, honey?" she smiled at me.

She always give me a smile kahit may masakit sa kaniya. Ayaw niya ipakita sa'min na nasasaktan siya kaya she always do her best to endure the pain by smiling at us. Aniya pa, kaunti na lang daw ang araw niya dito sa mundo at ayaw niyang aksayahin iyon nang umiiyak lang siya.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon