Chapter 23: The Truth

101 5 2
                                    

Chapter 23:

The Truth

Kylie’s.

Kakatapos lang namin ipasa ang Chapter 1 sa research namin sa faculty room nang magpaalam na si Janelle na pupunta sa mga kaibigan niya.

“Salamat sa tulong mo, Janelle!”

“No worries, Kylie! Groupmates e.” she winked.

We laughed at each other before we parted ways. Nagsimula na akong maglakad sa corridor nang may kamay ang pumatong sa balikat ko. 

“Mitch!” I exclaimed.

Ngumuso siya. “Madalas na ang pangha-hang-out niyo niyo ni Janelle, ha? What’s up?”

I chuckled and hugged her waist. Nagsimula na kaming maglakad ulit sa corridor habang ganoon ang pwesto namin.

“Oo, alam kong kataka-taka dahil kumpitensiya ang tingin ko sa kaniya dati noong wala pa si Ace dito. Pero I don’t treat anyone as a rivalry na. Kaya ito, simula nung naging kaibigan ko si Ace na dati kong kakumpitensiya, nagsimula na rin akong i-approach si Jannele. Hindi niya nga alam na kakumpitensiya ang turing ko sa kaniya ayan tuloy at nagtawanan kami tungkol doon dahil hindi niya alam na ganoon pala talaga ako ka-competitive.”

Doon ko rin narealize na pangit ituring na kakumpitensiya ang isang tao dahil lahat naman tayo, ginagawa lang ang mga best natin para magwagi. The only competitor we should beat is our past self.

“Hmm, kaya pala. Pero masaya ako dahil nagsisimula ka na rin ibaba ang pagka-competitive mo at tinitigilan mo ng ituring ang nasa paligid mo bilang kaaway, " Mitchie commented.

It actually started when I met Ace... hindi naging maganda ang impression ko kay Ace noong una. I treated him as a rivalry, and it's funny to think that we're friends now. Simula noong nakilala ko siya, ang dami ko tuloy narealize sa sarili ko.

Pinag-usapan na lang namin ni Mitchie ang tungkol sa regalo ko sa kaniya dahil nakwento niya sa 'kin kung gaano niya nagustuhan iyon na ilang beses siyang naiyak sa mga messages at pictures doon. I'm happy to have been able to put a smile on her face during her special day. Inaalala rin namin ang unang beses kaming nagkakilala at ngayong malaki na kami, pinagtatawanan na lang namin ang senaryong iyon. The kids version of us would also laugh at us for sure.

Natigil nga lang ang pag-uusap namin nang may makasalubong kaming matangkad na lalaki, maputi at makinis ang balat, at maamo rin ang kaniyang mukha. Tumigil kasi siya sa harap namin na parang kami talaga ang pakay niya… o ako lang dahil sa’kin siya nakatingin?

Nakatingin siya sa ID ko bago ako kinausap. “Ikaw ba si… Kylie Gomez?”

I assume that heʼs in mid-20’s. Mukhang hindi rin siya nag-aaral dito dahil hindi siya naka-unifrom ng Cambridge. Paano kaya siya nakapasok eh bawal ang outsider?

“Yes, ako nga,” medyo may pag-aalinlangan ang boses ko, nagtataka kung bakit tinatanong niya ang pangalan ko.

He smiled at me, a comforting one. “Join me at the principalʼs office.”

Tatanggi na dapat ako pero tumalik na siya at naglakad, ineexpect niya siguro na susunod lang ako sa kaniya. Kung sa principalʼs office lang naman pala kami, walang problema.

Nang tingnan ko si Mitchie, we both have the same look in our faces. We are confused yet curious to what this is all about.

Pero dahil din sa kuryosidad kaya sumunod kami sa lalaki. Mukha rin naman siyang harmless kaya okay lang. Mahigpit rin naman ang security dito sa Cambridge at bawal ang outsider… unless he is someone important. Dahil nakapasok siya dito ng basta-basta. Maybe he got the permission from Mrs. Santiago who happened to be the owner of this school. 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon