Chapter 19:
Camera
Kylie's.
Ilang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng insidenteng 'yon sa clinic. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yon. Paano nga kaya kung si Ma'am Tine ang mama ko?
Hindi ko siya namukhaan nung una dahil totoong ang laki ng pinagbago niya. But she really has a strong resemblance with my mom. Hindi ko na nga alam kung nasaan na si Ma'am Tine ngayon. Naka-leave daw siya at may substitute teacher kami sa subject niya.
If she's not my real mom then why does it seem like she's avoiding me kasi tingin niya alam ko na. Malakas talaga ang kutob ko na siya ang mama ko. Hindi ko agad napansin noong una pero ngayon malakas na ang hinala ko. And I'm gonna prove my theory right.
Matagal kong hinintay ang panahon na 'to. I won't let this opportunity slip away with my hands again.
Tahimik lamang akong nakaupo sa stone bench habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalaro sa fields.
I notice a presence beside me at nang lingunin ko ay si Ace pala. He sat quietly beside me at parang malalim din ang iniisip kagaya ko.
Matagal namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang finally ay nagsalita na rin siya. Wala rin kasi talaga ako sa mood mag-initiate ng conversation ngayon dahil okupado ang isip ko.
"Ahm... I actually don't know how to comfort someone but... I hope everything is well with you. Hindi ka naglalabas ng saloobin mo sa'min ni Mitchie at kinimkim mo lang 'yan sa sarili mo. Sana palagi mong maalala na nandito lang kami, Kylie. We are not your friends for nothing." he tapped my shoulder. "I'm always here if you need me and if you don't, I hope you try your best to cope up with what you are feeling right now."
Napatingin ako sa kaniya at tama nga ang sinabi niya. Pagkatapos ng araw na iyon sa clinic, hindi na ulit ako nagsalita tungkol doon kahit kay Mitchie at Ace. Ayun pala all along, I just need saving. To save me from this misery I have long trapped myself into.
Dahil doon ay niyakap ko tuloy si Ace. He slowly tapped my arms, naisip niya siguro na parang awkward ang posisyon namin. Well, he made me feel comfortable around him.
"Thank you so much, Ace. I somehow feel better."
Finally, I smiled.
Kumalas na ko sa pagkakayakap sa kaniya at nginitian niya ko. I appreciate his presence right now. In the middle of our so-called-moment, someone interrupted us and put her arms around our shoulders.
"Anong pinaguusapan niyo? Bakit hindi ako kasali?"
Si Mitchie pala with her kidding voice. Inalis na niya ang kamay niya sa balikat namin at umupo sa gitna naming dalawa ni Ace.
She clung her hands into our arms at parehas kaming pinanggigilan. "Malapit na birthday ko, guys."
Nanlaki naman bigla ang mata ko. Oo nga pala at July 10 na ngayon at apat na araw na lang ay birthday na ni Mitchie.
Dahil sa okupado ang isip ko palagi, hindi ko na ulit natuloy ang paggawa ng regalo ko kay Mitchie. Meron pa naman akong apat na araw para ipagpatuloy iyon kaya iyon na lang muna ang pagtutuunan ko ng pansin.
"Oo nga pala, speaking of birthday. May ipapakita ako sa inyo." may kinalikot si Ace sa bag niya at maya-maya may ipinakita siya sa'ming camera. "Late birthday gift pala sa'kin ni Mama."
"Wow." parehas naming sabi ni Mitchie with matching pag-nga-nga pa.
Ang ganda ng camera niya. Pwede pang-vlogging at maganda rin siyempre sa pagkuha ng litrato. Hihiramin na sana namin ni Mitchie at parehas na kaming handang hawakan ang camera para masubukan ito nang biglang tumayo si Ace at lumayo sa pwesto namin.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Fiksi RemajaCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...