Chapter 31: Worth

71 5 0
                                    

Chapter 31:

Worth




Kylie's.

After recovering from my cries, mom gave me a glass of water. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa habang hinihimas niya ang likod ko.

She smiled at me as I finished drinking the water. "I know you have a lot of questions in your mind. You can ask away, Kylie."

Matagal akong tumitig kay Mama, tinitimbang pa kung paano ko sisimulan ang pagtatanong sa kaniya.

When I didn't utter anything, she spoke gently, still consoling me.

"I'm truly sorry for everything, Kylie, especially for my shortcomings as your mother. I am sorry if you needed to feel this pain because of me." Hinawakan niya ang kamay ko at nagplastar ng ngiti sa labi. "But I ask you to trust me, Kylie. Everything that I'm doing is for our own good... for your own good. Nangyayari ang lahat ng ito kasi may rason at pagkatiwalaan mo ang rason na iyon."

She gave me an assuring smile that brought warmth into my heart. After days of being controlled by my rage, I found my peace and calm. That is my mom.

"The truth was taken away from me, Mom, and a lot of secrets have kept hidden from me. These are the things that triggered my emotion kaya naging agresibo ang actions ko the past few days." Napayuko ako nang maalala na naman ang mga nagawa at mga nasabi ko na ngayon ay pinagsisisihan ko na.

Hinimas ni Mommy ang buhok ko saka ako biglang niyakap. "It's normal to feel that, Kylie. Don't feel guilty about your emotion, huwag mo ng dagdagan ang bigat na dala mo. Let the burden go and welcome peace in your life."

I hugged her back as I let her words resonate in my heart.

"I'm sorry for making you feel like this." Patuloy niya pa ring paghingi ng tawad.

"Let go of that burden too, Mom. I already forgive you."

Totoong nakakagaan pala talaga sa pakiramdam ang magpatawad. Noong napupuno ng galit ang puso ko, mabigat iyon sa pakiramdam, isa rin sa rason kung bakit hinayaan ko itong kontrolin ako dahil gusto kong mailabas.

"On behalf of your father, I also want to say sorry. Alam kong hindi na mababalik ang panahon sa paghingi namin ng tawad sa 'yo kaya hayaan mo sana akong makabawi sa 'yo, Kylie. Allow me to love you during the days I couldn't show it to you. Allow me to be your mother. Allow me in your life, Kylie."

Hindi ko na naman napigilan ang panibagong luha na tumutulo sa 'king pisngi. Ganito pala ang pakiramdam na makamit na ang isang bagay na matagal mong hinintay.

"Before, I used to demand for a perfect family, but I realized that I don't need it. I only need the genuine love from my parents. Hindi ko iyon naramdaman buong buhay ko, Mommy, kaya pakiramdam ko na ipinagkait sa 'kin ang salitang pagmamahal."

"That's not true." Hinarap niya ako at hinawakan ang dalawa kong pisngi saka pinunasan ang mga luha ko. "You may not feel it, but we love you, Kylie. I love you."

I chuckled while tears are falling from my eyes. Hindi na napagod ang mata ko sa pag-iyak, parang ito lang ang alam kong paraan para mailabas ang nararamdaman ko.

"Do you want to go to Australia with me?"

Iyon ang nagpatigil ng mga hikbi ko. Noong isang araw lang ay iniisip ko ito pero ngayon tinatanong niya na ako tungkol sa bagay na ito.

"I want to bring you in Australia. Ipapakilala ko sa 'yo ang buhay ko habang nagkalayo tayo. From that way, you'll know the entire truth about my identity. Nagawa ko ng ikwento sa 'yo kung paano kami nagkakilala ng papa mo kaya oras naman ngayon para malaman mo kung ano ang naging buhay ko noong nagkalayo tayo."

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon