Chapter 39:
Halloween
Kylie's.
We stayed in here for almost a week. Palagi lang kaming nandito kina Cassey at nakikipag-bonding lang din ako sa kaniya. Si Kuya naman, madalas nasa Cambridge Academy dahil binalikan niya na pala ang pagiging professor niya doon. Si mommy naman ay busy din sa Cambridge. Pansin ko tuloy na medyo busy sa school. Ano kayang meron?
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Cassey habang nagreready na din siya pumasok ng school. Napahiga tuloy ako sa kama habang pinapanood siyang ayusin ang necktie sa uniform niya. Kapag umalis pala siya, I'll probably get bored here.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ni Cassey. May bookshelf siya sa gilid at ang dami niyang books. I don't know if it's all educational books or all novels kaya nilapitan ko iyon dahil katabi lang ng kama ni Cassey. I scanned the names of the books.
Puro novels nga! The books are categorized based on its genres. Nasa pinaka-taas ang educational books at sumunod naman ang science fiction books, teen fiction, fantasy and lastly fairytale books ang nasa pinakadulo which is parang pang-kids.
My eyes twinkled upon seeing these books. Kumpleto pa siya sa Greek Mythologies. Mahal na mahal siguro siya ni Tita Rachel at mukhang suportado siya sa hilig niya.
She must have been noticed my attention to the book so she sat beside me in her bed. "You can borrow if you want."
I smiled at her. "Yes, pwede din. Because I'll probably get bored here and I have nothing to do." I crossed my arms while sighing.
Akma namang nagiisip ang mukha ni Cassey. "I can just bring you later in school. We'll have a big event later. A halloween party."
Oh, shocks! Malapit na nga pala ang Halloween. Iyon din siguro ang pinagkaka-abalahan nila Mommy at Kuya sa Cambridge ngayon kasi may event pala sa school.
"Am I allowed to join?" I asked her with eyes twinkling.
Tumango-tango naman siya. "Yes, of course. You are, afterall, a daughter of Tita Tine."
I don't actually want to use this card pero ito lang ang option ko dahil hindi naman talaga ako estudyamte rito.
"Sige. Sasama na lang ako sa'yo sa school dahil hindi rin ako nagkaroon ng proper tour nung last visit ko doon. Siguro ngayon, mas maeenjoy ko na."
Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nakaligo na rin naman ako kanina kaya magpapalit na lang ako ng damit ngayon. Nagsuot ulit ako ng coat at black skinny jeans pati long sleeve on top. Sinuot ko ulit yung boots ko and sling bag. I'm good to go!
Bumaba na ko dahil doon naghihintay sa'kin si Cassey. Tapos na rin siya mag-ayos kaya dumiretso na kami sa kotse at pumunta ng Cambridge Academy.
Katulad nung huling punta ko dito, nagkakalat ulit ang mga estudyante everywhere in this campus. Wala pa ba silang klase? Bigla ko tuloy naisip si Cassey, kapag nagklase na sila, maiiwan ako mag-isa mag-tour dito. Malaki naman ang Cambridge Academy at baka pwede akong tumambay sa garden nila.
We walked in the middle of the lobby hanggang sa makarating kami sa locker niya.
"How's our school, Ky?" she smiled at me.
Napansin ko tuloy ang pagtawag niya sa'kin ng "Ky" and on a second thought, akala ko si Mitchie ang kausap ko.
I also smiled at her. "Ang ganda talaga dito sa school niyo. Pero bakit pagala-gala lang mga estudyante dito at parang wala pa silang klase?"
Napatingin din si Cassey sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway. "We only go to our rooms once the school bell rings. And because there will be an event later, we don't have any classes for today. So, we went into my locker to get my clothes and change my outfit."
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Ficção AdolescenteCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...