"Umuwi ba si Kio diyan?" tanong ko kay Eros.
"Nawawala ba si Kio?" Muntik na mahulog 'yong cellphone na hawak ko. Akala ko umuwi na siya dahil bigla siyang nawala sa tabi ko. "Then, that's good. Mababawasan na 'yong lalaking aagaw sa'yo."
"Eros!"
"Wag mo na siya hanapin, Luna. Nag aaksaya ka lang ng oras. Come home, Luna~ I miss you." Napairap nalang ako. Ang landi talaga ng batang 'to.
Inend call ko na at napahinga ako ng malalim. I'm sure, hindi pa nakakalayo si Kio.
Napahilot naman ako sa sintido ko at nagsimula ng maglakad. Nabitawan ko 'yong paper bag ng may nabangga ako.
Ng tumingin ako sa kanya ay napagtanto kong studyante ito.
He have black hair and blue eyes. Maputi rin ito at matangkad at gwapo rin. Nakasuot siya ng eyeglasses at mukhang mabait ito.
"S-sorry po, hindi ko sinasadya!" Agad niya naman kinuha ang paper bag ko at binigay sa akin.
"Ayos lang." Akmang magsasalita siya pero agad may tumawag sa kanya.
"Liam! Hali ka na!" sigaw ng kaibigan niyang lalaki.
Napatingin naman siya sa akin, "Pasensiya na po talaga."
Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya. Akmang tatalikod na ako pero natigilan ako ng biglang may yumakap sa akin.
"Luna, sino 'yong lalaki na 'yon?" Boses pa lang niya. Alam ko na si Kio ito.
Dumistansiya ako sa kanya.
"Saan ka ba galing?" tanong ko sa kanya.
"Secret," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hali ka na." Umuna na akong maglakad sa kanya pero napahinto ako ng namalayan kong hindi niya ako sinusundan.
Taas kilay ko naman siyang tinignan. Nilahad naman niya ang kamay niya sa akin at napabuntong hininga nalang ako.
Hinawakan ko naman ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Alam kong nakatingin siya sa akin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nabuhay sila.
Ang weird lang kasi, ang sabi. Maglalaho na sila kapag nasunog ko na ang libro pero bakit hindi pa rin sila naglalaho ngayon?
•••
Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako ng agad ako niyakap ni Eros.
"Luna! I miss you! Mabuti naman at bumalik ka!" Hindi na ako nagsalita pa. Simula nung nandito na sila sa bahay ko. Sobrang ingay na dito.
"Wag mo nga siyang yakapin!" Agad naman hinila ni Cl si Eros.
"How dare you?!"
"Girlfriend ko siya! Kaya lumayo ka sa kanya! Ahas ka!" Ayan na naman sila. Napatampal nalang ako sa noo ko.
"Break na kayo, hindi mo ba alam?" Natigilan naman si Cl sa sinabi ni Eros. Napatingin naman si Cl sa akin.
"Totoo ba, Luna? Break na tayo?" Napahinga nalang ako ng malalim at hindi na nagsalita.
Nilagay ko na ang paper bag sa lamesa at napaupo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...