Chapter 19

730 49 10
                                    

Nangunot ang noo ko. Bakit siya nandito?

"Wait, baba ako diyan." Akmang aalis na ako sa pwesto ko pero agad siya nagsalita.

"Wag, diyan ka lang." Ilang segundo pa ay bigla siyang ngumiti. "Suot mo pa rin ang necklace na binigay ko sa'yo."

Napahawak naman ako sa necklace na binigay niya sa akin nuon.

"Yah, bakit ka nandito?"

"Wala lang, gusto lang kita makita." Nangunot naman ang noo ko. "May aaminin ako sa'yo."

"Hmm? Ano 'yon?" I asked.

"Gusto kita. Mahal kita, Luna," mahinahon niyang sabi sa akin. Natigilan naman ako.

Hindi ako makapaniwala. Sobrang nagulat ako.

"Hindi magandang joke 'yan." Tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Ang seryoso mo kasi. Gusto kong makita ulit 'yung ngiti mo." Napabuga nalang ako ng hangin.

"Chris—"

"Nandito lang ako para tignan kong buhay ka pa," cold niyang sabi sa akin.

"Gusto mo bang mamatay ako?" I asked.

He smirked. At tumalikod na at tuluyan ng naglakad palayo. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Napahinga nalang ako ng malalim at babalik na sana ako sa kwarto ko pero nagulat ako ng makita ko si Prince.

"Prince, ba't gising ka pa?" I asked.

"Luna, pwede ba tayo tabi matulog?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako pero agad niya ako inunahan. "Please, kahit ngayon lang. Hindi kasi ako makatulog eh."

•••

"Umm... Dito nalang ako sa sahig, tapos diyan ka nalang sa kama," sabi ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Gusto ko tabi tayo matulog," napapuot niyang sabi sa akin.

"M-mas gusto ko kasi sa sahig nalang ako matulog," kabado kong sabi sa kanya.

"Edi sa sahig tayo matulog," malungkot niyang sabi sa akin.

"Sige, sa kama tayo pero wala kang gagawin sa akin na masama diba?" Napatango naman ito na parang wala siyang alam sa anong ibig kong sabihin. 

Dahan-dahan akong napahiga sa kama at nagulat ako ng niyakap niya ako. Akmang magsasalita ako pero inunahan niya na ako.

"Please, hayaan mo na ako," sabi niya habang nakapikit. "Luna, we met before."

"Ha?"

Napatingin siya sa akin. Hindi ko maitatanggi. Sobrang gwapo ni Prince para talaga siyang totoong prinsepe.

"I mean the other Luna."

"Ha? Hindi ko alam yan ah."

"Yah, nung una ko siyang nakita. Ayaw ko na talaga sa kanya." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Sinabi ko sa sarili ko. Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang katulad ni Luna, pero simula nung ikaw naging Luna sa novel. I fell inlove with you so hard na halos mabaliw na ako. No, baliw na talaga ako."

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon