"Stop talking nonsense, Enzo. Alam mo naman siguro ang sagot diba?" Napailing na lamang ako at tumalikod na.
Nagsimula na akong maglakad. Hindi ko talaga sila maintindihan. Minsan nagmamadali sila na parang magpapaalam na sila soon. Na parang hindi ko na sila makikita ulit kapag hindi nila nagawa 'yong gusto nila.
I secretly took a glance at him. Nakita ko siyang nakayuko at parang malungkot ito, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang sabihin sa akin.
Napakagat nalang ako ng labi. Why? Why can't you tell me?
•••
"Tsk! Kung alam ko lang na itatakas mo si Luna, sana hinawakan ko nalang 'yong kamay niya at hindi binitawan," inis na sabi sa kanya ni Prince.
Hindi lang sumagot si Enzo at pumunta nalang sa kwarto niya. Ramdam ko talagang may tinatago sila sa akin. Bakit ba kailangan nila itong isekreto sa akin?
"By the way Luna, anong ginawa mo nung humiwalay ka sa amin?" Saichi asked. Inosente ko siyang tinignan.
"Hinanap ko kayo." Ngumiti naman si Saichi dahilan para taasan ko siya ng kilay.
"Iyun lang ba?"
"Oo, bakit?" Nakita niya ba kaming magkasama ni Chris.
"Don't worry, Saichi. Walang ibang kabit si Luna. Ako lang." Nag wink naman si Eros sa akin. At sinamaan naman siya ng tingin ni Hevis.
Ewan ko talaga. Parating magkasundo si Eros at Hevis sa anumang bagay pero ngayon, para na silang aso't pusa.
"Mabuti pa, mag review nalang kayo-"
"No need, Luna. Matalino kami," sabi ni Eros habang nakangiti ng nakakaloko. "Pero mas matalino ako sa kanila."
"Mas mataas pa nga grades ni Hevis kaysa sa'yo." Sinamaan naman ni Eros ng tingin si Drein dahil sa sinabi ni Drein. I giggled.
Minsan kapag nag aaway sila. Ang cute nila tignan, para silang mga bunsong kapatid ko.
"Tama na 'yan, baka isipin ni Luna na mga bata talaga kayo," sabi ni Saichi dahilan para ikahinto namin.
Paano niya nalaman ang iniisip ko? Agad naman lumapit sa akin si Kio.
"Mali ang sinabi ni Saichi, hindi ba? Hindi mo 'yan iniisip diba? Luna, I'm your Lover!" Agad naman siya binatukan ni Cl.
"Kailan ka pa niya naging boyfriend? Pelingero ka!"
"Tsk! Parehas lang tayo! Kasalanan ko bang baliw na baliw ako sa kanya?" inis na tanong ni Kio.
So kasalanan ko pa ganun? Napailing na lamang ako at hinilot ang sintido ko.
"Matutulog na ako," sabi ko sa kanila.
"Luna, tabi tayo," nakangiting sabi ni Eros.
"Hindi pwede!"
"At bakit naman hindi pwede?" tanong ni Eros kay Hevis. Napatingin sa akin si Eros habang inosenteng nakangiti. "Matutulog lang naman kami ni Luna. Wala naman akong gagawin na masama sa kanya-"
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romantik(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...