Chapter 33

737 42 3
                                    

"Kung totoong mahal mo ako. Ibalik mo ako sa mundo ko," cold kong sabi sa kanya.

Tumingin muna siya sa akin saglit pero ngumiti rin ito. Ano na naman kaya ang naisip niyang kalokohan?

"Fine." Ha? Ang weird, hindi naman 'yata siya papayag ng basta-basta.

Biglang humangin ng pinakamalakas at pagmulat ng aking mata. Nasa playground na ako.

Where am i? Nakakainis ka! Gray! Hindi naman ito ang lugar kung saan ako nakatira?! Sinasabi ko na nga ba! May naisip siyang kalokohan.

Napahinto ako ng may batang nakabangga sa akin. Ba't ganun parang kamukha niya si Gray?

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"Ang ganda mo po," mangha niyang sabi sa akin.

"Nasaan 'yong parents mo?" tanong ko. Umupo ako upang mapantayan siya. Ang cute niya.

Malungkot lang siyang umiwas ng tingin at hindi sumagot.

"Nasaan kasama mo?"

"Wala akong kasama, mag isa lang ako," malungkot niyang sabi sa akin.

Kawawa naman ang batang 'to. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Where do you want to go? Sasamahan kita," nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti ito bigla at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Gusto ko pumunta ng mall! May arcade do'n! Gusto ko pumunta!" excited niyang sabi sa akin.

I giggled, ang cute niya.

•••

Nagtataka ako, bakit walang mga tao dito? Kanina pa kami lakad ng lakad pero kami lang talagang dalawa 'yong nandito.

"Is there something wrong?" alala niyang tanong sa akin.

Napatingin ako sa kanya at umiling.

"No, just do what you want. Don't worry about me, I'm okay," nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumango lang siya at ng makapunta na kami sa arcade ay tinuro niya sa akin 'yong rabbit na stuff toy.

"Gusto ko po 'yon, pwede niyo bang kunin 'yon?" tanong niya sa akin.

"Sige, susubukan ko," ani ko at hinaplos ang buhok niya.

Ng naitama ko na 'yong bala ng baril sa stuff toy ay agad ito nahulog. Masayang pumalakpak ang lalaking 'to. At binigay ko sa kanya ang stuff toy.

Libre lang ito, wala kasing tao dito. Kanina pa nga ako nagtataka. Mukhang nasa 8 year old pa nga siya pero naiintindihan niya ako habang nag e-english ako.

At bakit hindi siya nagtataka na kami lang 'yong nandito.

"Hey, what's your name?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Bakit po?"

"Curios lang ako." Malungkot itong napaiwas ng tingin.

"Hindi ko po matandaan kung sino ako," nakayuko niyang sabi sa akin.

Totoo ba ang sinabi niya? Or nagpapanggap lang siya? Kasi malaki ang posibility na siya si Gray na bata pa.

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon