Chapter 26

568 35 1
                                    

I open my eyes at nagulat ako ng nakatali ang aking kamay at paa. Hindi ako makapagsalita. Bakit hindi ko kayang maigalaw ang aking katawan?

Gusto kong sumigaw! Gusto ko humingi ng tulong pero parang may nagpupumigil sa akin.

I saw Kiel looking at me with his sad eyes. Kiel, why are you looking at me like that?

That look, kahit wala siyang sinasabi. I know he means that I failed. I failed to kill Gray.

Ang alam ko lang ay sobrang natatakot na ako ngayon. Nakita ko 'yung eight boys, unti-unting nawawala.

No! I don't want this! Please! Don't leave me!

•••

"Luna, wake up." Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko si Kio. Hinawakan niya ang aking pisnge at napagtanto kong pinupunasan niya ang mga luha ko. Halata sa kanyang mukha ang pag aalala. "Why are you crying, Luna?"

Agad ko siya niyakap at mas lalo akong umiyak. Bakit ako nasasaktan? Nung nakita ko silang unti-unting naglalaho. 

"Binabangungot lang ako." Ramdam ko ang kanyang kamay na hinahaplos ang buhok ko.

"Luna, bad dream lang 'yun. Hindi 'yun totoo, ano bang napanaginipan mo?" Napatigil ako saglit.

"Nakita ko kayo... Unti-unting naglalaho." Natahimik siya sa sinabi ko.

Bakit ramdam kong totoo 'yun?

"It's just a dream, Luna. Hindi 'yun mangyayari." Napangiti ako sa sinabi niya at kumalas na ako sa pagkakayakap. "Pero bakit parang natatakot ka? Ayaw mo ba akong mawala?"

Hinawakan niya ang aking kamay at dinampi niya ito sa pisnge niya while looking at me using his cute expression.

"Do you... love me now?" he asked. Hindi ako nakapagsagot agad. I love them as a family or friend.

I know he know the answer, pero hindi siya magtatanong ulit kung nagustuhan niya 'yung sagot ko.

"Kio..." He chuckled. At hinaplos ang buhok ko.

"Luna, you're so mean. Kahit hindi totoo, gusto ko marinig sa'yo na mahal mo ako." Niyakap niya ako at ramdam ko ang labi niya sa leeg ko. Bakit hindi ako makagalaw? Parang natatakot ako. What's wrong with me?! "I hate it, everytime na pinapamukha mo sa akin na I'm just your friend."

Mas lalo akong nagulat ng sumeryoso ang boses ni Kio.

"Kio, I don't want to hurt you. Ayaw kitang paasahin," ani ko.

"Paasahin mo ako, Luna. Hurt me, as long as I see that you love me even if it's fake, tatanggapin ko." Baliw talaga 'tong lalaking 'to.

Pinitik ko ang noo niya dahilan upang mapapout ito.

"No, I won't do that. You're a person, Kio. You're not a toy. May feelings ka rin at hindi ko pwedeng paglaruan 'yun," sabi ko sa kanya.

"Pero hindi ko na experience na mahalin mo ako... more than just a friend, Luna." Sinandal niya ang noo niya sa balikat ko. "I want more, Luna."

"But... you know—" I sighed. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga lalaking 'to.

•••

Nakaupo ako sa bench habang umiinom ng tubig. Napapansin ko na parang mas lalong na o-obsessed 'yung mga boys sa akin. Like parang nagmamadali sila, pinipilit nilang mahalin ko sila as more than friend.

"But feelings can't lie." Agad ako napatingin sa nagsalita.

"Chris? Kailan ka pa nandito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kanina pa." Paano niya nalaman ang iniisip ko? "Halata sa mukha mo, Luna."

Nakasuot rin siya ng school uniform. I guess lunch time nila ngayon.

"What are you doing here?" I asked.

"Gusto ko lang makita ka." Hinawakan niya 'yung pendant ng kwentas ko and he smiled at me. "Suot mo pa rin 'yung kwentas na binigay ko."

Napailing ako. Bakit sa tuwing nakikita ko siya? Naiisip ko si Kiel.

"Hindi ka pa rin nakaka move on kay Kiel?" Tumingin ako sa kanya.

"How did you know that?"

"Drein told me, sa sobrang lungkot niya. Umiyak na siya sa labas ng bahay na parang bata." Tumawa ito at napailing. "Dapat kalimutan mo na 'yung taong patay na, Luna."

"Hindi mo ako naintindihan, wala kang alam." Tumingin siya sa aking mga mata and I'm not comfortable.

"I understand you, but you need to let him go. He's dead, matagal na, Luna."

Hindi ako nagsalita at napabuga nalang siya ng hangin.

"After all, he's a fictional character. Hindi kayo magkakatuluyan, Luna. Alam mo 'yun." So hindi niya talaga alam?

Tumayo na ako, "As i said, wala kang alam, Chris."

Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yun ay umalis na ako.

•••

Kumatok ako bago pumasok sa kwarto ni Saichi. He look at me na parang hindi niya ini-expect na nandito ako. Nakasuot pa din ako ng pang trabaho na damit.

I smiled at him, "Saichi, sa'yo ba 'to?"

Tumingin siya sa science book na hawak ko at tumango siya. Lumapit ako sa kanya at binigay ito.

"Thanks, Luna." Ngumiti lang ako.

"O siya, alis muna ako—" Nagulat ako ng hinila niya ako at pinatabi sa kanya. He hold my hand while looking at his book. "What are you doing?"

"Dito ka nalang matulog. Kailangan mo magpahinga, alam kong pagod ka na sa trabaho mo," ani niya sa akin.

"Pwede naman ako matulog sa kwarto ko—"

"I know na magiging safe ka kapag nandito ka sa tabi ko," nakangiti niyang sabi sa akin.

Ayan na naman siya. Ginawa lang niyang palusot 'yan para makasama ako. Ang totoo niyan, galit na galit siya ngayon kasi alam niyang naghihintay si Kio sa kwarto ko.

I giggled, "Wala ka bang tiwala kay Kio?"

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Mukhang masama na 'yata mag joke ngayon.

"Wala akong tiwala sa iba. Hindi ko hahayaan maagaw ka nila sa akin," cold niyang sabi sa akin.

Sinandal niya 'yung ulo niya sa balikat ko habang nagbabasa ng libro.

"Luna, if mawala ako? Mamimiss mo ba ako?" he asked.

"Anong klasing tanong 'yan?" Ngumiti lang ito. Humarap siya sa akin, nakahawak pa rin 'yung kamay niya sa akin.

"Will you choose me? Kung dumating man sa tamang panahon na makakalimutan mo na si Kiel?"

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon