Sinadya ko talagang hindi umuwi. Alam kong may nakasunod sa akin. Dumidilim na 'yong paligid. Nagulat ako ng biglang napatay 'yong ilaw.
Napalunok ako ng laway at napahinto sa paglalakad, rinig ko ang yapak ng paa niya na papalapit sa akin.
Agad ako humarap sa kanya at hinawakan ang leeg niya at sasakalin na sana ng nagulat ako ng makita siya.
"Gael?" Medyo nagulat siya sa kilos ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at ngumiti ng nakakaloko.
"Are you scared, my kitten?" Napakunot naman ang noo ko. Kitten? Napatawa naman ito. "Ang seryoso mo naman."
Medyo napaatras ako, "Anong ginagawa mo dito?"
Siya ba 'yong sumusunod sa akin?
"Napadaan lang ako." Tinaas niya 'yong paper bag na mukhang may laman na mga pagkain. "At nakita kitang naglalakad dito."
Napatingin siya sa paligid. Napahinga naman ako ng malalim.
"Ah, ganun ba." Sobrang kinabahan talaga ako ngayon. Feeling ko anytime ma aaksidente ako.
"Luna, bakit dito ka dumaan?" seryoso niyang tanong sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ha?" Ngumiti naman ito. "Madilim kasi ang daan. Delikado dito, baka may madaanan kang loko-loko dito."
"Umm... Wala lang," sabi ko at nilagpasan na siya.
Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na pinansin 'yon. Bakit nakaramdam ako ng sobrang takot ngayon?
•••
Ng makapasok na ako sa bahay. Agad sila napatayo lahat. Napakunot naman ang noo ko.
"Luna!" sabay nilang banggit sa pangalan ko.
"O bakit? May problema ba?" I asked.
"Mabuti naman at nakabalik ka na." Agad naman ako niyakap ni Hevis.
"Sorry, nalate akong umuwi. Ano kasi, may emergency," sabi ko sa kanila.
"Luna, pinaghanda kita ng pagkain," mahinahon na saad sa akin.
Napangiti naman ako pero nawala ang aking ngiti ng napansin kong wala si Cl.
"Nasaan si Cl?" tanong ko sa kanila.
Napakamot naman ng batok si Kio, "Hinanap ka niya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik."
"Siguro, akala niya hindi pa nakauwi si Luna," ani ni Prince.
"Well, hayaan mo na siya, Luna. Kumain nalang-" Hindi pa natapos ang sasabihin ni Eros ay agad na ako tumakbo palabas.
Shit! Baka ano ng nangyari kay Cl?! Ramdam ko kasing mapapahamak silang walo, kapag wala ako sa tabi nila.
I hope I can protect them. Sana kasama ko pa rin sila hanggang sa huli pero bakit parang hindi sila magtatagal dito?
•••
"Cl! Nasaan ka?! Cl?!" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...