It's raining. I closed the glass window and sighed. It's so cold kaya kumuha ako ng jacket at sinuot ito. Hindi ako makatulog, kasi sa tuwing pinipikit ko ang aking mata, parang may nakatingin sa akin.
And hindi na ako magtataka kung sino 'yun. I know it's Gray. Pinagdududahan ko rin 'yung walong boys. Gray created them kaya feeling ko isa sa kanila si Gray.
Pero pwede rin isa sa 4 boys si Gray. Medyo nakakapagtaka kasi sila, ramdam kong may alam sila sa nangyayari sa buhay ko.
They're giving me a sign. Napatingin ako sa kutsilyo na hawak ko. Pareho ang kutsilyo na 'to sa kutsilyo na ginamit ko kay Gray.
I'm sure tumagos naman 'yung kutsilyo. Siguro naman natamaan 'yung puso niya? Pero what if hindi?
Napahilot ako sa sintido ko. Dami na akong iniisip dito.
"What should i do? Kiel? Please, tulungan mo ako." I wish nandito ka.
"Ah!" Teka? Boses 'yun ni Gael ah?
Agad ako pumunta sa kwarto niya at agad ito binuksan mabuti nalang hindi ito naka lock.
"Gael?! Anong nangyari?!" Agad ako lumapit sa kanya at nagulat ako ng niyakap niya ako.
"I'm scared! Please! Save me! Tulungan mo ako! Parang awa mo na!" Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.
"Gael? Anong problema..." Natigilan ako ng namalayan kong hindi na siya gumagalaw. Agad ko siya pinahiga at napagtanto, natulog lang pala ito.
Ano 'yun? Anyare? Pero anong ibig sabihin niya? May nagbanta ba sa kanya? Bakit agad ko naisip si Gray.
•••
Minulat ko ang mata ko at nagulat ako ng makita si Prince na nakaupo sahig habang nakahawak sa kamay ko.
"Prince?" Dahan-dahan niya minulat ang mata niya.
"Luna, you're awake?" Tumayo ito. "Tatawagin ko lang si Gael na ihanda ang mga pagkain."
"Wait, what are you doing here?" Sumeryoso naman ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa tanong ko.
"Hindi ako makatulog kahapon, kaya napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto mo and wala ka dun." Agad niya nilapit ang mukha niya sa akin dahilan para mapaatras ako kunti. "At nakita ko na natulog ka sa kwarto ni Gael. What are you doing in Gael's room, my kitten?"
"U-umm... It's not what you think." Ewan ko ba pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Then ano? Makikinig ako," nakangiting sabi niya sa akin at umupo siya sa tabi ko. Kahit isa, hindi niya man lang inalis 'yung tingin niya sa akin.
"Narinig ko kasi siyang sumigaw, kaya agad ako pumunta sa kwarto niya at parang binabangungot lang naman siya," sabi ko sabay kamot ng batok.
Nakangiti pa rin ito at hindi inalis 'yung tingin niya sa akin. Wait? Hindi ba siya naniniwala sa akin?
"You don't have to lie, Luna. Just tell me the truth," nakangiti niyang saad sa akin.
"But I'm telling the truth, Prince." Geez! Mukha ba akong nagsisinungaling?
"Mas malapit lang ang kwarto ko kay Gael kaya bakit hindi ko narinig na sumigaw siya?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"But I swear, narinig ko talaga siyang sumigaw!" Wait? Bakit kailangan ko pa mag explain sa kanya? "Kakain na ako. Hindi ka rin naman maniniwala."
Tumayo na ako at aalis na sana ng nagulat ako dahil hinawakan niya 'yung wrist ko.
"What are you doing?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Nagulat ako ng hinila niya ako dahilan para mapaupo ako sa lap niya. Niyakap niya ako para hindi ako makaalis sa pagkakaupo ko sa lap niya.
"My kitten, you won't leave me, right? You're my precious kitten, after all. You know how much I love you, so wag kang masyadong lumapit sa ibang lalaki, okay?" Hinaplos niya naman ang buhok ko at bumulong siya sa akin. "Hindi mo alam kung anong magagawa ko sa kanila pag inagaw ka nila sa akin."
"Prince-"
"Alam mo naman seryoso ako, Luna. So don't test me." Ngumiti na ito. "Pagkatapos mo mag ayos, bumaba ka na at kakain na."
Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yun ay umalis na siya. Hindi pa tapos 'yung problema ko may dumagdag na naman.
•••
"Nakakalungkot naman, last day na natin dito," nakapuot na sabi ni Zayden. Napatingin naman siya sa akin habang tahimik lang akong kumakain. Iyung ibang boys, mamaya pa daw sila kakain kasi may gagawin sila kaya kami lang dalawa ang nandito. "Hey, Luna. May misteryo talaga dito sa bahay na 'to."
Napakunot ang noo ko, "Anong ibig mo sabihin?"
"Parang hindi pag mamay ari ito ni lola, parang may ibang nakatira dito. Ang weird nga, kasi kahit ni isa hindi ko matandaan na dito ako nakatira noong bata ako pero alam ko 'yung buong place dito," nagtataka niyang sabi sa akin.
"Kahit isa?" Napatango naman ito. Imposible naman na hindi niya maalala pero kabisado niya 'yung lugar dito.
Pinaglalaruan ba ako ng lalaking 'to? Ano bang pinapahiwatig niya sa akin?
"Hey, Luna. What if hindi to totoong mundo? Tapos fictional character lang din tayo? What if hindi tayo totoo tapos pinaglalaruan lang tayo?" nakangiting tanong niya sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya.
"Wag mong takutin si Luna," cold na sabi ni Saichi.
Zayden laughed, "Sorry, my bad. Ang ganda kasi ng movie eh. Akala niya nakatakas na siya pero nasa fake world pa rin siya."
Yah, it's weird. Paano kung nasa fictional world pa rin ako? Kaya nandito pa rin 'yung 8 boys? What if ito ang bagong kwento na sinulat ni Gray.
Kinakabahan na ako sa naiiisip ko. Sana naman hindi totoo ang nasa isip ko.
•••
Nabalik ako sa realidad ng may nilagay na malamig si Enzo sa ulo ko. Agad ko ito, kinuha at napagtanto kong ice candy ito.
"Saan mo 'to nabili?" I asked.
"Hindi ko 'yan binili, ginawa ko 'yan." Napatingin ako sa ice candy na ginawa niya at tinikman ito.
Ramdam ko ang mga titig niya sa akin, "Iniisip mo pa rin ba na buhay si Gray?"
Napahinto ako dahil sa tanong niya.
"I know he's alive. Hindi niyo lang sinasabi sa akin ang totoo." Akmang magsasalita siya. "Bakit hindi niyo kayang sabihin sa akin ang totoo? Do you really want me to die? Kinokontrol ba kayo ni Gray?"
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...