Lumapit siya sa akin.
"After all, obligasyon kong bantayan ka. I'm your boyfriend, remember?" Napabuga ako ng hangin.
"Hindi kita boyfriend," cold kong sabi sa kanya. Natigilan naman siya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Boyfriend mo ako, Luna. All this time iniisip mo talaga na hindi mo ako boyfriend. Umaasa lang pala ako na jowa kita." I told you many times pero hindi mo pa rin tanggap.
"Stop this nonsense, Cl. Palabasin mo ako dito," seryoso kong sabi sa kanya.
"Shut up! Gusto mo lang lumabas para pumunta kila Liam! Akala mo hindi ko alam?!" Napaiwas naman ako ng tingin.
Sinabi ba ni prince?
"Kumain lang naman ako do'n. Wala naman akong ginawang masama," sabi ko sa kanya.
"Kumain ka lang do'n? Alam mo ba kung bakit ikaw lang 'yong inimbita ni Gael?" Hindi lang ako nagsalita. Dahil hindi ko alam kung bakit ako lang ang inimbita niya. "Gusto ka niya, Luna."
"Ano bang pinagsasasabi mo? 28 na ako, Cl. Si Gael 16 pa siya."
"Sa tingin mo, may pake sila kung matanda ka? May nakikita nga ako sa labas ng bahay. Nag ho-holding hands na 'yong studyante at teacher." Napangiwi ako sa sinabi niya.
Well, totoo naman. Age doesn't matter pero hindi ko type ang mas bata sa akin.
"Pero iba tayo, Cl-"
"Alam kong hindi mo ako mahal," cold niyang sabi sa akin. "But I'm still your boyfriend. I can give you everything kaya kung ibigay ang katawan ko para sa'yo."
"You're crazy, wag mong hintayin magalit ako sa'yo," ani ko sa kanya.
"Why can't you understand me?!" inis niyang tanong sa akin. "Nagmahal ka rin dati diba? Alam mo naman siguro kung ano ang nararamdaman ko ngayon!"
Natigilan ako sa sinabi niya. I saw his tears fall.
"Stop it, Cl." Napatingin naman kami kay Saichi na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa. "How pathetic."
Kinuha niya ang susi kay Cl at binuksan ang pinto ng cage at hinawakan ang wrist ko at hinila.
Hindi lang nagsalita si Cl parang wala ito sa katinuan niya.
"Cl, I-"
"Pagpasensyahan muna si Cl. Mukhang hindi niya napigilan ang sarili niya." Cl chuckled.
"You almost killed Zayden, remember?" Sumeryoso naman ang tingin ni Saichi kay Cl.
"Ano? Totoo ba ang sinasabi niya?" gulat kong tanong sa kanya.
Humigpit naman ang pagkakahawak ni Saichi sa wrist ko.
"Baka gusto mong unahin kitang patayin?" cold na tanong ni Saichi pero ngumiti rin ito. "Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo na mamatay. I can kill you anytime you want, Cl. I'm a nice person, right?"
"Ano ba?! Tumigil nga kayo!" Napatingin naman si Saichi sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Iwan muna natin si Cl. Babalik rin siya sa katinuan niya mamaya," nakangiting sabi ni Saichi.
At umalis na kami. Bago pa man ako tuluyang makalabas sa kwarto ni Cl ay tumingin ako sa kanya. Walang kabuhay-buhay ang mata niya. Hindi man lang tumingin sa akin.
Naawa ako. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan? Mukhang nag alala lang talaga siya sa akin.
•••
Habang kumakain sila. Napansin kong wala si Cl. Mukhang nasa kwarto pa rin siya nagkukulong.
"Nag alala ka ba kay Cl?" tanong ni Enzo.
"Kasalanan ko naman kasi. Ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya." Hinawakan naman ni Enzo ang kamay ko.
"Wala kang kasalanan, Luna. It's our own choice to love you. You're special to me, so I won't give up on you." Nilagay naman niya ang kamay ko sa dibdib niya.
"Stop that," cold na sabi ni Eros. "Enzo, napansin kong maganda ang mata mo. Pwede akin nalang 'yan?"
Napabuga naman ng hangin si Hevis, akmang magsasalita si Enzo pero agad ko na siya inunahan.
"By the way, nasaan si Drein?" I asked. Nangunot ang aking noo. "Minsan ko lang siya nakikita."
"Nasa kwarto niya, tinawag ko na siya kanina pero ayaw niyang lumabas," sabi sa akin ni Hevis.
Tumayo naman ako at hinawakan naman ni Enzo 'yung kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Sama ako," sabi niya sa akin.
"No, dito ka lang. Wala namang gagawin na masama sa akin si Drein," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sure ka, Luna? Alam mong baliw siya. Baka ano pang gawin niya sa'yo?"
Hindi na ako nagsalita at pumunta na sa kwarto niya. Kumatok ako pero walang bumukas sa pinto. Sinubukan kong buksan ito at medyo natigilan ako ng bukas nga ang ito. Akala ko nakalock.
Nakita kong nakaupo si Drein sa kama at wala itong damit pang itaas. He looked at me with his serious eyes.
"Sino ka?" I coldly asked.
"You need to end this, Luna," cold niyang sabi sa akin. He slowly walked towards me at hinawakan ang baba ko. "Or else, mamamatay tayong lahat. I want to marry you, Luna. But i think imposibleng mangyari 'yon. We're destined to die after all."
Nangunot ang noo ko, "Anong ibig mo sabihin?"
"I want you to... marry me." Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Bago pa mahuli ang lahat."
"Alam mong-"
"Luna! Please don't make me wait, as long as buhay pa ako. Gusto ko maging asawa mo-"
"Ano bang pinagsasabi mo, Drein? Buhay ka pa naman-"
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito kami sa mundo mo?" he asked. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Fictional character lang kami."
"Sigurado akong alam niyo ang rason kung bakit kayo nandito?" seryoso kong sabi sa kanya. He giggled.
"Ayaw mo ba na nandito kami, Luna? Ginawa namin lahat para lang makasama ka." Napaupo siya sa kama habang nakangiti ng nakakaloko. "Ha~ Luna is so heartless. Hindi man lang siya naawa sa amin."
"You know I can't love you back," cold kong sabi sa kanya. "Alam mo kung nasaan si Gray, hindi ba? Sabihin mo na sa akin-"
"Bakit? Kaya mo ba siyang talunin, Luna? Baka makuha ka pa niya?" Tumawa na naman ito. "Malay mo, baka ako si Gray?"
Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero napagdesisyunan kong umalis nalang. Baka mas lalo akong maguluhan?
Baliw si Drein kaya hindi dapat ako maniwala sa kanya. But what if totoo 'yong sinabi niya?
Ano na ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...