"Binabalaan kita, Kio. Hindi mo alam ang kaya kong gawin," cold niyang saad kay Kio.
Tumayo si Kio at hinarangan si Cl. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Hindi mo rin alam kung anong kaya kong gawin, Cl. Hindi ka talaga nag iisip," mapaglarong sabi ni Kio. Tumingin si Kio sa akin. "Kung papatayin mo si Luna, alam mo kung saan mapupunta ang kaluluwa niya."
Natigilan si Cl dahil sa sinabi ni Kio. Tumingin sa kanya ulit si Kio.
"Now Cl, do you really want to kill Luna?" seryosong tanong sa kanya ni Kio. Hindi lang sumagot si Cl at nakatingin lang ito kay Kio. "Patayin nalang kita."
"Kio-" Nagulat ako ng may humila sa akin dahilan para mabitawan ako ni Kio.
Tumingin lang si Kio sa akin at hindi ako hinabol. Napatingin ako sa lalaking humila sa akin.
Saichi?
Ng makalayo-layo na kami sa kanila ay napahinto na siya at hinahabol ko ang hininga ko. Ang bilis niya kasing tumakbo. Nagulat ako ng niyakap niya ako dahilan para mapahinto ako.
"Luna, lagi mong tatandaan na mahal kita," seryoso niyang saad sa akin.
"I know," sagot ko.
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti ito at hinaplos ang buhok ko.
"Umupo ka muna sa sahig." Umupo ako, pagod na din ako sa kakatakbo.
Niyakap ko ang sariling tuhod. Kahit hindi ko siya tinignan ramdam kong tumabi siya sa akin.
"Sigurado ka bang hahayaan lang natin si Kio at Cl mag away do'n?" Natatakot ako na baka malaman ko nalang na isa sa kanila ang namatay.
Akala ko okay lang na kasama ko sila. Akala ko talaga hindi na lalala ang obsession nila sa akin. If hindi sila ganyan siguro masaya kaming nagkakasama ngayon.
"Don't worry, Luna. Walang mamamatay.... sa ngayon." Sa ngayon?
"Saichi, nasaan ba tayo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam, pero ang alam ko wala tayo sa mundo mo." Natigilan ako sa sinabi niya.
"So ibig sabihin nandito si Gray? Makikita ko siya dito?" Malungkot siyang tumango. Napatayo ako at hinawakan niya 'yong wrist ko.
"Where are you going?" tanong niya sa akin.
"Hahanapin ko siya," seryoso kong sabi sa kanya.
"It's dangerous, Luna. Baka tuluyan ka talaga niyang makuha pag hahanapin mo pa siya?" alala niyang saad sa akin. Tumayo siya.
"So magtatago nalang ako at tatakbo habang nagkakagulo ang lahat? Saichi, hindi matatapos 'to kung hindi mawawala sa buhay ko si Gray," seryoso kong sabi sa kanya.
"Pero ayaw kong mawala ka sa akin, Luna. Hindi ko kakayanin pag nalaman kong nagtagumpay siyang makuha ka. You're the most important person in my life." Niyakap niya naman ako. "Please, wag ka mawala sa akin ulit."
"Saichi," malungkot kong banggit sa pangalan niya.
"I love you so much, Luna. I will do anything para hindi ka lang mawala sa akin," malungkot niyang sabi sa akin. Napangiti ako at kumalas sa pagkakayakap.
Hinaplos ko ang buhok niya, "Don't worry, ako lang 'to. Hindi ako mawawala."
"Niloloko mo lang ako eh," natatawa niyang sabi pero kitang-kita pa rin ang lungkot sa kanyang dalawang mata.
"Promise ko 'yan sa'yo," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Luna, kailangan mabuhay ka hanggang sa huli iyan 'yung wish ko pang advance birthday gift lang," nakangiti niyang sabi sa akin. Imbes na humiling siya para sa sarili niya.
Mas hiniling niya ang kaligtasan ko. Ngumiti ako.
"Promise ko 'yan sa'yo at pagbalik ko. Magkakasama tayo ulit." Ngumiti lang ito pero hindi ko gets parang hindi siya masaya, parang malungkot siya.
"Aasahan ko 'yan, Luna," mahinahon niyang sabi sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry, dahil sa amin nandito ka."
Napakunot ang noo ko, "Ha? Anong ibig mo sabihin?"
"Luna, nandito lang si Gray. I will let you go but promise me na hindi ka mamamatay, okay?" Ngumiti ako at tumango.
Binigay niya sa akin ang kutsilyo na nakita ko noon. Agad ako napatingin sa kanya habang gulat na gulat.
"Paano-"
"Binabantayan kita, Luna. I hope na marealized how much I love you." Hinila niya ako dahilan para mas mapalapit ako sa kanya at dinampi niya ang noo namin sa isa't-isa. "Kung may next life man, kung magkikita man tayo do'n. I promise I will make you mine."
He's acting weird, pero hindi ko na pinansin 'yon. Mas importante na matapos na 'to lahat bago pa may mapahamak pang iba.
Aalis na sana ako pero hindi niya binitawan ang wrist ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng hinalikan niya ako.
Ewan ko ba pero biglang tumibok 'yong puso ko pero saglit lang 'yon. Dumistansya na siya kunti at ngumiti sa akin.
"Nakatingin ako parati sa'yo kahit saan ka man magpunta, Luna. I love you." Nagulat man ako pero ngumiti rin ako.
"Thank you, Saichi."
Hindi na ako tumingin sa kanya ulit at hindi ko man alam kung saan ako pupunta ay feel ko dinadala ako ng aking dalawang paa kay Gray.
Natigilan ako sa pagtakbo ng makita si Hevis na walang kabuhay-buhay na nakatingin sa akin.
"Luna." Kinalabutan ako ng tinawag niya ako sa pangalan ko.
"What are you doing, Luna? Saan ka pupunta? Pupunta ka ba sa lalaking 'yon?" Nagulat ako na sa isang iglap ay hinawakan na niya ang dalawang braso ko. "Are you going to leave me alone? Don't leave me, Luna! Wag mong gawin sa akin 'to! Please! Umalis na tayo dito!"
Wala na ba siya sa sariling katinuan niya? Tuluyan na ba talaga siyang nabaliw?
"Hevis, kailangan kong makita si Gray," sabi ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"No! Hindi ka pwedeng sumama sa kanya! He's a monster, Luna!" sigaw niya sa akin. Bakit parang natatakot siya?
"Does that mean nandito lang sa tabi si Gray?" Natigilan siya dahil sa sinabi ko.
"Please Luna, umalis na tayo dito," malungkot niyang sabi sa akin.
"Hevis, just this time pakawalan mo ako. Hindi ito matatapos kung parati lang akong tatakas. Alam mo naman na kahit saan masusundan niya ako." Sumeryoso ang tingin ko sa kanya dahilan upang matigilan siya. "Kahit sa kamatayan... Masusundan niya pa rin ako."
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...