Prologue

4.9K 198 60
                                    

I sighed, sana hindi tama ang hinala ko. Sana hindi siya si Grey. Napalunok ako ng laway at binuksan ang pinto.

Natigilan ako ng makita ang stolen pictures ko na nakadikit sa pader. Nandito 'yong picture na natutulog ako at iba pa.

He is crazy! Hanggang dito ba naman sinusundan niya ako?! Lumapit ako sa mini desk niya at kinuha ang camera.

Natigilan ako ng makita ang video na nagcecellphone ako sa kwarto at nalaman ko rin na naglagay siya ng cctv sa kwarto ko.

Agad ko hinanap ang libro. Nasaan na 'yon?! Kailangan ko masunog 'yon! I need to end this! Marami na ang namamatay dahil sa kanya!

"Looking for this?" Agad ako napatingin sa kanya parang hindi na ako makagalaw dahil sa gulat.

"Kailan mo ba ititigil ang kasamaan mo, Grey?! Hindi ka ba naaawa sa mga inosenteng tao na pinatay mo?!" And ang worst, pinaniwala mo ako na kaya kitang pagkatiwalaan.

"Matatapos lang ang lahat ng 'to. Kung sasama ka sa akin," cold niyang sabi sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at binigay ang libro.

Tumawa ito na parang nawawalan na ng bait.

"Baliw ka!" Napatingin ako sa libro and I stunned when he touch my cheeks.

"Sige, sunugin mo ang libro na 'yan. Alam mo ang mangyayari, Luna. Kapag sinunog mo 'yang libro maglalaho ako... kasama ang 8 boys." Dahan-dahan akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Napalunok ako ng laway dahil sa sobrang kaba at takot na rin. Bigla niyang nilapit ang mukha niya. "Napamahal na sa'yo 'yong walong lalaki, hindi ba? So if you burn that book they will all vanished."

Dumistansiya na siya para na talaga siyang nababaliw parang wala na siya sa sarili niya.

Napatingin ako sa libro pero ito lang 'yung tama para matigil na ang lahat ng 'to.

"Naisip mo ba kung bakit peke na libro ang binigay ni Saichi sa'yo?" Hindi lang ako nagsalita. He giggled. "Because he loves you very much, Luna. Ayaw niyang mawalay sa'yo. Ang weird nga, they are just a fiction character created by my mind. I control them anytime i want but I can't erase their feelings for you."

"Mahirap ba tanggapin na hindi kita kayang mahalin?! Grey! If you accept the reality-"

"Do you think ganun lang kadali? Kinalimutan na sana kita kung ganun lang kadali." Napahawak ito sa noo niya. "But I can't.... Kahit anong gawin ko..... I can't stop loving you, Luna."

"Grey I-" naputol ang sasabihin ko ng agad sumeryoso ang tingin niya sa akin.

"Hindi ko na hahayaan na iwan mo ako! Luna!" Hindi na ako nagsalita at tumakbo nalang.

All i can do right now is run. I'm sure na kapag nahuli niya ako ay papatayin niya ako and my soul will trapped in the darkness that he created, forever.

Natigilan ako sa pagtakbo ng makita ko si Saichi sa harap ko.

"S-saichi."

"Luna." Napalingon ako kay Grey na ngayon ay nakangiti na ng nakakaloko. "Hanggang sa parati kang tumatakas, maraming inosenteng taong mamamatay. Now, come with me, my love."

Isa lang ang paraan para matapos na ang lahat ng 'to. Sunugin ang libro but... Paano 'yong eight boys?

"Luna." Napatingin ako kay Saichi na ngayon ay nakangiti na ito pero bakit parang malungkot siya? "Sunugin mo ang libro."

"Kung gagawin ko 'yon-"

Ngumiti lang ito dahilan para tumulo na 'yong luha ko.

"Luna, I guess hindi ako 'yong prinsepe mo... I've always dream to be your prince... pero mukhang imposibleng magkatotoo ang pangarap ko... Ipakilala mo ako sa anak mo sa hinaharap ha?" nakangiti niyang sabi sa akin. "And I'm sorry, dahil sa makasarili kong desisyon. Nangyari ito sa buhay mo... pero hindi ako nagsisi sa ginawa ko... Because I can spend more time with you... I'm a bad person, right? Don't forget about me, Luna. Kahit wala na ako. Mahal na mahal kita... My Luna."

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon