Chapter 15

1K 62 6
                                    

"Kio! Sinabi ko na—"

"Kio." Nagulat ako ng makita si Saichi na seryosong nakatingin sa aming dalawa. "Napansin kong hindi ka namin kasama kanina. Duda ko na nandito ka sa bahay at tama nga 'yong hinala ko. You monster."

Seryoso lang nakatingin sa kanya si Kio pero ngumiti rin ito.

"Pareho lang tayo, kuya," nakangiting sabi ni Kio.

"Kuya?"

"Yes, Luna said na magbigay galang ako sa nakakatanda sa akin pero kung ganyan ka nalang parati. Baka mawalan ako ng respeto sa'yo?" nakangiting sabi ni Kio.

"Kio!" tawag ko sa kanya.

Inosente lang tumingin sa akin si Kio na parang pinapamukha niya sa akin na wala siyang ginawang mali.

"Pupunta lang ako sa kwarto ko, Luna. Ayaw kong makita ang lalaking 'to." Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko dahilan para mapahinto ako. "You can come into my room, anytime you want."

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya. Bakit parang nakaramdam ako ng takot kay Kio?

Bakit natatakot ako?

"Luna, are you okay?" alalang tanong sa akin ni Saichi.

Napatango naman ako, "Nag cutting class ka ba?"

Napatango naman siya.

"Ba't mo ginawa 'yon?!" Napangiti naman ito ng nakakaloko dahil sa tanong ko.

"Luna, ginawa mo rin ito noon. Nag cutting class ka rin." Napabuga nalang ako ng hangin at napailing.

Ginulo naman niya ang buhok ko dahilan para seryoso akong mapatingin sa kanya.

"Ganyan rin ang tingin mo sa amin dati. You never pay attention to us," nakangiti niyang sabi sa akin.

"That's why you like me? Because you thought I'm not like the other girls?" Napailing naman ito.

"At first yes, but i realized na hindi 'yon ang rason kung bakit kita nagustuhan? May nakita ako sa'yo na hindi ko makita sa iba? I tried, Luna. Sinubukan kong humanap ng iba. I've tried many times, pero na e-excite ako tuwing kasama ka."

"Saichi—"

"I know hindi ka pa rin naniniwala sa amin, Luna. But we're not just obsessed with you. Mahal ka talaga namin and i hope you will choose me. I'll wait for you, my Luna." Dinampi niya naman ang noo niya sa noo ko at hinaplos ang buhok ko. "Maghihintay ako. I promise."

"Promise is meant to be broken," cold kong sabi sa kanya. Napansin kong napahinto ito at dumistansiya ako. "I know alam mo 'yan, Saichi."

He just smile pero bakit nararamdaman kong malungkot siya? Ano bang problema ng lalaking 'to?

•••

"Luna," tawag sa akin ni Gael.

"Y-yes?"

"Kanina ka pa nakatulala diyan? Ano bang iniisip mo?" he asked.

"Ah wala."

"Isa ba sa mga lalaki? Si Saichi ba?" Agad naman ako napatingin sa kanya. Paanong—"Luna, you can't!"

"Ha?" Agad niya naman ako niyakap at ngumiti ng nakakaloko.

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon