"Guys, magbihis kayo," sabi ko sa kanila dahilan para mapatingin sila lahat sa akin.
"Saan tayo pupunta?" Hevis asked.
"Gagala tayo," sabi ko sa kanila.
"Luna, pwede naman tayong dalawa nalang ang gumala. Bakit kasama pa sila?" nakangiting tanong ni Saichi.
"Oo nga, Luna. Dapat mag date nalang tayong dalawa. Bilhan nalang natin sila ng pagkain," nakapuot na sabi ni Kio.
"You—" naputol ang sasabihin ni Enzo ng agad sumabat si Drein.
"L-luna, I'm scared. Sa tabi mo lang ako, wag kang lumayo sa akin," nanginginig na sabi ni Drein.
"Stop acting! You bastard!" inis na sabi ni Cl.
Napatampal nalang ako ng noo dahil sa inasta nila.
"Guys, gusto ko lang makasama kayong gumala. Parati nalang tayo nakakulong sa bahay, hindi ba kayo naboboringan?" Nakakairita na 'tong mga lalaki na 'to. Kung pwede lang sila ipamigay. Ipinamigay ko na.
"Hindi naman ako naboboringan. As long as kasama kita, Luna," mapang akit na sabi ni Prince.
"Kung ayaw niyong sumama. Iyong kabit bahay nalang ang i-imbitahin ko—" Sa isang iglap ay nasig alisan na sila. At paglabas nila sa kwarto ay nakaayos na.
Ang bilis ha. Papayag din naman eh. Sinamaan naman nila ako ng tingin. O, anong kasalanan ko?
•••
Mukhang bad idea ito ah. Lahat ng mga babae pinagkakaguluhan 'yong walong lalaki. Sa sobrang gulo nila, nahiwalay ako sa walo.
"Hahanapin ko nalang sila mamaya," sabi ko sa sarili ko at nilibot ang paningin ko sa paligid.
Mmh, ano kaya ang magandang bilhin dito? Nagsimula na akong maglakad at tinignan ang mga gamit na ibebenta.
Maganda 'tong keychain. Ang cute.
"Ate, magkano po ito?" I asked.
"70 pesos lang."
"May ganyan po ba kayo na design?" Tumango naman 'yong ate. "Walo nga po."
She nod at umalis. Pagbalik niya may dala na siyang walong keychain na pareho 'yung design.
Nilagay niya ito sa paper bag at binigay sa akin. I give her the money at umalis na ako.
I wonder kung nasaan sila?
Napahinto ako ng makita ko si Chris na nakatingin sa kwentas na nasa ibang tindahan. Lumapit ako sa kanya.
"Do you like that?" I asked. Cold lang siyang tumingin sa akin.
"Yes." Nangunot ang noo ko, parang pang babae naman 'yang kwentas na 'yan. Medyo nagulat ako ng may pumasok sa isip ko. Wag mong sabihin, bakla siya? "Bagay sa'yo."
"What?" Napatingin siya ulit sa kwentas.
Kinuha niya ang kwentas at pumunta sa casher. Pagkatapos ay bumalik siya. Hinawakan niya ang kamay ko at umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...