Chapter 17

874 59 11
                                    

"Kagagawan mo na naman ba ito?! Grey?! Ang sama mo! Napakasama mong hayop ka!" galit kong sigaw.

Hindi ko alam ang daan pabalik. Kay Chris lang kasi ang atensyon ko. Mukhang abandonadong lugar na rin ito, kasi wala ng mga tao at mukhang luma na rin ang building dito.

Agad ko dinala sa loob ng building na malapit sa amin si Chris. Aminin ko ang bigat niya, kahit mapayat siya or sadyang wala lang talaga akong lakas.

Umupo ako sa sahig at hiniga ko ang ulo niya sa hita ko at hinaplos ang buhok niya.

Mas lalo siyang gumwapo pag tulog. Ang seryoso niya kasing tignan kapag gising siya. Nakikita ko siyang ngumiti pero alam kong peke 'yon. 

•••

Agad ko minulat ang aking mata. Hindi ko inakalang makakatulog ako. Nagulat ako dahil napagtanto kong hinalikan niya ako sa pisnge.

"Chris?!" gulat kong tawag sa pangalan niya. Umatras siya and he smiled playfully.

At sumandal sa balikat ko.

"Sorry my bad," natatawa niyang sabi. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinaglaruan. "Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko."

"Ha?" Agad naman niya hinawakan ang ulo ko.

"Kidding." Tumayo na siya at nilahad ang kamay niya sa akin.

Bakit nakikita ko sa kanya ngayon si Kiel? Tinanggap ko naman ito at ngumiti.

Pero agad siyang umiwas ng tingin ng makita akong nakangiti. Napakunot ang noo ko pero napagdesisyunan kong hindi nalang pansinin 'yon.

"Bakit ka ba nahimatay?" I asked. Napakunot ang noo ko ng may nakita akong mapupula na mukhang kamay sa leeg niya. Sinakal ba siya?

"Ano sa tingin mo, Luna? Who did this to me?" he playfully asked. Akmang magsasalita ako pero nagulat ako na sa isang iglap nasa harapan ko na siya.

"Ang dali mo lang patayin kung hindi mo alam kung paano ipagtanggol ang sarili mo," mapaglaro niyang sabi sa akin.

Halos hindi ako makagalaw dahil sa kanyang sinabi. Naguguluhan ako, bakit parang andami niyang alam?

"Pinaglalaruan mo ba ako?" inis kong tanong sa kanya.

Hinawakan niya naman ang pisnge ko, "Bagay na bagay sa'yo ang paglaruan, Luna. Isang pagkakamali lang pwedeng masira ang buhay mo."

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay nagsimula na siyang maglakad. Agad ko siya hinabol at hinawakan ang wrist niya.

"Do you want me to die?!" inis kong tanong sa kanya, para siyang natigilan sa sinabi ko. "Chris! Gusto mo bang mamatay ako?!"

Hindi lang siya nagsalita at blangko lang ang kanyang ekspresyon. Bakit?! Bakit hindi mo kayang sabihin sa akin?!

Binitawan ko nalang siya at umuna ng maglakad. Ilang oras na akong naglalakad kahit hindi ko alam kung saan ang daan pabalik.

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon