"Are you out of your mind?!" Lalapit na sana ako kay Chris pero napahinto ako ng magsalita siya ulit.
"Isang hawak mo lang sa kanya, Luna. Alam mo kung anong kaya kong gawin," seryoso niyang sabi sa akin.
Napalunok ako ng laway. Alam kong papatayin niya talaga si Chris. Nawalan ng malay si Chris. Paano ko siya dadalhin sa hospital?
"Why are you doing this, Enzo?" seryoso kong tanong sa kanya.
Ngumiti na naman siya ulit at umupo ito upang mapantayan ako. Hindi ako makagalaw, bakit parati nalang may nadadamay kapag nasa peligro ako?
"You know the answer, Luna. Selos na selos na ako! I've suffered many days and hours at ayaw ko na!" Hinila niya ako dahilan para magulat ako. "Akin ka lang, Luna. Gagawin ko ang lahat upang hindi ka nila makuha sa akin."
•••
"Kaya ko na sarili ko." Susubuan niya sana ako ng pagkain pero napahinto siya dahil sa sinabi ko.
"But it's my responsibility to take care of my future wife," mahinahon niyang sabi sa akin. Hinead to foot niya ako dahilan para tumaas ang balahibo ko. "Papaliguan kita mamaya."
"Ha? Katatapos ko lang maligo kanina ah," nagtataka kong saad sa kanya.
"But that bastard hugged you," nakapout niyang sabi sa akin. Hinaplos niya ang braso ko dahilan upang mapalunok ako ng laway. "At ayaw ko nun, Luna."
Napabuga ako ng hangin, "Sige, maliligo ako mamaya."
Ngumiti lang siya bakit parang may hindi siya magandang na isip?
"What?" I asked.
"I will help you." Halos gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.
"Ano?! Hindi pwede 'yan?!" gulat kong sabi sa kanya.
"Bakit naman hindi pwede?" inosente niyang tanong sa akin.
"Ano bang nakikita mo pag tumingin ka sa akin?!" inis kong tanong sa kanya.
Ngumiti na naman ito ng nakakaloko, "My future wife."
Napatampal ako ng noo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking 'to. Tuluyan na nga siyang nabaliw.
•••
Ilang oras na ako dito. Inutusan ko muna si Enzo na magluto siya kasi nagugutom na ako. Hindi naman ako nakatali kaya may pagkakataon na makatakas ako dito.
Pero alam kong nilock niya ang pinto, hindi siya tanga para hindi pag isipan na tatakas rin ako.
"Ang tanga niya talaga." Namilog ang aking mata ng makita ko si Prince. Agad ako napatayo at humarap sa kanya.
"H-how?" Ngumiti ito.
"I am here to save my princess," malambing niyang sabi sa akin. Hinaplos niya 'yung buhok ko. Even if nakangiti ito alam kong galit na galit na ito. "Hindi ko akalain na gagawin ni Enzo 'to. Papatayin ko na ba siya?"
"Prince, wag mong gawin 'yan," ani ko. Sumeryoso ang tingin niya sa akin dahilan para mapalunok ako ng laway.
"At bakit? Luna, do you love Enzo?" Blangko ang kanyang emosyon na nakatingin sa akin na parang hindi gusto 'yung sagot ko. "Hey Luna, do you love Enzo?"
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...