"Baliw ka ba?! Stop this nonsense, Drein!" Nagbago na naman ang ekspresyon niya.
"Are you going to leave me like this?" Nangunot naman ang noo ko.
"Like what?" I asked.
"Manhid ka ba? Or nagpapanggap ka lang?" cold niyang sabi sa akin.
"Shut up! Bumalik ka na sa totoong ikaw, Drein! Hindi biro 'yong utos mo sa akin!" Blangko lang ang ekspresyon niya.
"But his heart wants you. Nagpipigil lang siya. Do you know how much he suffer because of you? He wants to be with you even with his last life." Nangunot naman ang noo ko. "Time is precious, Luna. I hope you can appreciate us, before it's too late."
"Ano bang ibig niyo sabihin? Mamamatay ba kayo?" Akmang magsasalita na siya pero nawalan agad siya ng malay. "Drein!"
It's useless, wala na siyang malay.
•••
Hiniga ko na siya sa kwarto niya at nagpaalam sa boys na bibili lang ako ng pagkain.
Mabuti nalang at pumayag sila na hindi sumama sa akin.
Ng makabili na ako ng pagkain ay naglakad-lakad ako and i saw a book store. Napagdesisyunan ko na pumasok at pumili ng libro.
Hindi ako masyadong mahilig magbasa pero nabobored na ako sa bahay.
Habang namimili ako ng librong babasahin ay napahinto ako ng makita si Liam na nakaupo sa upuan habang nagsusulat.
Napangiti naman ako at lumapit sa kanya para siyang nagulat ng makita ako. Hindi niya yata inaasahan na magkikita kami dito.
"L-luna." Agad niya naman sinara ang notebook na sinusulatan niya.
"Anong sinusulat mo?" Napangiti naman ito sa tanong ko.
"Kwento."
"Writer ka?" I asked. Namula naman ang pisnge niya at napatango.
"Ikwento mo naman sa akin 'yan."
"It's all about a fictional character who fell in love with a real person. But they can't be together. Because he is not real," he said.
Bakit parang familiar 'yan?
"Ang lawak naman ng imahinasyon mo. Saan mo nakuha ang ideya na 'yan?" I asked. He looks at me and smile.
"From you, Luna." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nangunot ang noo ko.
May alam ba siya sa nangyayari sa buhay ko?
"W-what do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I mean... parati kasing sinasabi sa mga kapit-bahay natin na parang fictional character 'yong mga kasama mo... and i thought na gumawa ako ng kwento... Pareho kayo ng personality." Napatango naman ako sa sinabi niya.
"Kailangan ko ng umalis. Magkita nalang tayo soon," ani ko sa kanya.
"Aalis ka na agad?" Napatango naman ako. Napaiwas naman ito ng tingin. "Akala ko mag sta-stay ka pa."
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...