Chapter 28

590 44 4
                                    

Habang kumakain ako ay nakatitig lang ako kay Hevis at Eros na ngayon ay hindi nagpapansinan. Nagbabasa si Hevis ng dyaryo at si Eros naman ay umiinom ng kape habang nakatingin sa cellphone niya.

"L-luna, why are you paying attention to them?" Niyakap niya ang braso ko at parang takot na takot siya. Napahinga ako ng malalim.

"Stop it, Drein. I know hindi ka talaga baliw." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Kailan mo nalaman?" seryoso niyang tanong sa akin.

Akala mo talaga hindi ko napapansin ang pagbabago ng ekspresyon mo kapag mag a-act ka na parang takot tapos kapag nasa iba 'yung atensyon ko magbabago ang ekspresyon mo.

I'm not a fool, Drein.

"Iyun ay sekreto ko lang," ani ko.

"Luna." Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko at pinaharap sa kanya. "I hate it, sa tuwing tumitingin ka sa iba. Iyang mata na 'yan, dapat sa akin lang nakatingin."

"Drein," nag alala kong banggit sa pangalan niya. "Kailangan mo kalmahin ang sarili mo."

"Hindi mo ako naintindihan," cold niyang sabi sa akin. Napaiwas ito ng tingin. "But why? Bakit sobrang mahal kita? I want you mine, Luna. I hope, maintindihan mo din ako balang araw."

Walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung may masama ba siyang gagawin or what. 

•••

"Luna!" Agad ako napatingin sa tumawag sa akin.

"Zayden," banggit ko sa pangalan niya. Kakatapos lang ng work ko, bakit siya nandito? "Why are you here?"

Tumabi siya sa akin at ngumiti. Tinaas niya ang lunch box.

"Nagluto si Liam para sa'yo. Sana magustuhan mo." Ngumiti ako at tinanggap ito.

"Pakisabi sa kanya salamat." Tumango ito, pero nakatingin pa rin ito sa akin. "What's wrong, Zayden?"

"Luna." Hinawakan niya ang pisnge ko dahilan para mapahinto ako. Mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin. "Hindi ka ba nakatulog ng maayos?"

"Pardon?"

"Ang hagard ng mukha mo," alala niyang sabi sa akin.

Wala akong ganang tumingin sa kanya. Hindi naman niya kailangan sabihin sa akin 'yan.

Napahinga nalang ako ng malalim, "Dami kong problema ngayon, kaya hindi ako makatulog ng maayos."

"Kawawa naman 'yung Luna ko. Need mo hug?" Nakangiti lang ito at ready ng yakapin ako.

"No thanks." Nagulat ako ng hinila niya ako. "But I want to hug Luna!"

"Zayden," walang gana kong banggit sa pangalan niya.

"Mukhang late ako," cold na sabi ng isang familiar na boses.

Nagulat ako ng makita ko siya.

"Prince?" Kumalas ako sa pagkakayakap kay Zayden. "What are you doing here?"

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon