Ng tapos ko ng maisuot ang damit ko ay nagulat ako ng agad bumukas ang pinto. Mabuti nalang at nakapagbihis na ako kung hindi, makikita niya talaga akong nakahubad.
"Kumatok ka naman bago pumasok, nakakagulat ka." Nangunot ang noo niya habang hinead to foot ako.
"Where are you going?" tanong ni Prince sa akin.
"Umm... Birthday kasi ng kaibigan ko-"
"Sa march pa birthday ni Jullian," sabi niya sa akin.
"Hindi naman si Jullian," seryoso kong sabi sa kanya.
"Sino?" Napahinga nalang ako ng malalim. If i tell him the truth, siguradong hindi siya papayag na pumunta ako sa birthday ni Gael.
"Babalik rin ako agad." Ngumiti naman ito sa sinabi ko.
"Sama ako." Napatampal nalang ako ng noo dahil sa sinabi niya.
"Hindi pwede." Napapuot naman ito.
"Bakit hindi pwede?"
"Basta, trust me, okay?"
"Ayaw ko."
"Akala ko ba mahal mo ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo mahal kita sobra," sabi niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
"Babalik rin ako."
"Mamimiss ka ni Clover," he said. I giggled.
"Pakisabi kay Clover na mahal na mahal ko siya." Natigilan naman siya at masamang tumingin kay Clover na ngayon ay nakatingin na sa amin.
Don't tell me nagseselos siya? Pusa lang 'yan.
"Kailangan ko ba patayin ang pusa na 'yan?" bulong niya.
Narinig ko ito kaya agad ko pinitik ang noo niya dahilan para mapatingin siya sa akin. I giggled.
"Akala ko ba mahal mo si Clover?" Napapuot naman ito.
"Mahal ko siya pero inagaw ka niya," sabi niya.
"Nagbibiro lang ako. Alis na ako bye!" Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa. Agad na ako umalis. Alam ko naman na hindi siya papayag.
•••
Ng makarating na ako sa bahay nila ay binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng makita si Gael. Agad niya ako sinalubong ng yakap.
"Luna! You're here!" masaya niyang sabi.
"H-happy birthday," nakangiti kong sabi kay Gael.
"Akala ko hindi ka dadating." Napatingin naman siya sa dalawa. "See? Mahal ako ni Luna."
"Mahal?" nagtataka kong sabi.
"Ah Luna, maupo ka muna," nakangiting sabi ni Liam.
Umupo naman ako at masaya naman akong tinignan ni Zayden.
"Ang ganda mo talaga, Luna. Anong nilagay mo sa mukha mo?" Zayden asked.
Akmang magsasalita ako pero agad nagsalita si Gael.
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...