Chapter 5

1.5K 79 9
                                    

"Ano ba?! Para kayong mga bata?!" inis kong sigaw sa kanila. "Mag aasawa nalang ako kung ganyan kayo!"

Agad naman binatukan ni Saichi si Eros.

"Tumigil na kayo! Nakaka depressed kayo!" Napatingin naman sa akin si Saichi. "Luna, if ever na gusto mo na ng asawa. Nandito lang ako."

He winked at me dahilan para mapangiwi ako. Sinamaan naman siya ng tingin ng mag kambal at tinawanan niya lang ito.

"Magtratrabaho pa ako, bukas. Wag niyo ako bigyan ng stress ha?!" Hindi lang sila nagsalita at agad na ako umalis.

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at natigilan ako ng makita si Kio na nakatingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Kio? Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Napapuot naman ito.

"Luna, kiss mo ako sa pisnge."

"Ha? Ano na naman ba 'tong kalokohan mo?" Napailing naman ako.

Natigilan ako ng namumula na 'yong mata niya na parang iiyak na ito.

"Lunaaaa."

"Ano?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Kiss mo ako sa lips," sabi niya gamit ang cute niyang boses.

Letseng bata 'to!

"Ano? Sabi mo sa pisnge?!"

"Sa lips nalang, sige na Luna~ diba love mo ako—"

"Sinong may sabi?" Natigilan naman siya sa tanong ko.

"Hindi mo ako love?" maiyak iyak niyang tanong sa akin.

Tumawa naman ako, "Joke lang hahahha!" 

"Hindi mo ako love eh!" Niyakap niya naman ang braso ko. "Sino sa kanila?"

"Ano?"

"Sino sa kanila ang nagustuhan mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Anong gagawin mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Papatayin ko lang," masaya niyang sabi sa akin.

Pinitik ko naman 'yong noo niya, "Ikaw talaga, kahit ano nalang kalokohan naiisip mo."

"Pero seryoso ako. Papatayin ko talaga ang mamahalin mo," inosente niyang sabi. Napapuot naman ito. Ayan na naman siya sa pacute niya. "Dahil ako lang dapat ang mahalin ni Luna at wala ng iba."

"Baliw." Napailing nalang ako.

•••

Napatingin ako sa mga paper works na hawak na hawak ko ngayon. Bakit ba kasi ako ang inutusan? Ang init-init ng panahon ngayon oh!

Natigilan ako ng may nabangga akong studyante. Nahulog pa 'yong mga libro na hawak niya.

"I-i'm sorry, are you okay—Liam?"

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon