Chapter 21

721 38 17
                                    

"Ano 'yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa libro na hawak niya.

"Ah, wala 'to." Tinakpan niya naman ito. Nakita niya naman na curios ako kaya napa smirk ito. "About a man. Who sacrifice his life for the woman he loves."

"Ha? Bakit? Ano ba nangyari?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kinidnapped sila, at isa lang ang dapat mabuhay sa kanila. He choose the woman to live," mahinahon niyang sabi sa akin.

"Bakit naman niya nagawa 'yun?" mahina kong tanong sa sarili ko.

"Iyan ang love, Luna. Kahit pa ikapahamak mo. Proprotektahan mo pa rin siya. You choose him instead of yourself."

Bigla kong naalala si Kiel.

"May tao ka bang minahal?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Oo." Napayuko ako. "Kaso hindi kami pwede magkatuluyan."

"Bakit naman?" he asked.

"He's dead. Hindi na siya babalik, tapos na rin 'yong mission niya." Bumalik siya para iligtas ako.

Iniligtas niya ako dahil nabigo siyang iligtas ako nung past life ko.

"I'm sorry."

"Okay lang, I wish magkita kami ulit," mahinahon kong sabi sa kanya.

"Ano palang nagustuhan mo sa kanya?" tanong niya sa akin. "First time ko kasing malaman na may minahal ka pala."

"Ewan ko, ang alam ko lang siya 'yung pinili ng puso ko."

"True love?" Napatingin naman siya sa bintana. "I wish maranasan ko din 'yan."

"Ha?" Ngumiti naman siya sa akin.

"Ang mahalin ako."

•••

Ng makababa na kami ay agad ako napatingin sa malaking bahay. Ang ganda naman.

"Tsk, mas malaki pa bahay namin diyan," cold na sabi ni Drein.

Napangiwi naman ako. Ibang Drein na naman 'yong nakasama ko. Hinawakan naman ni Gael ang kamay ko.

"Luna, igagala kita sa bahay ni auntie. May gusto akong ipakita sa'yo," nakangiting saad sa akin ni Gael.

"Wait, sasama ako," seryosong sabi ni Kio.

"Seems hindi pa rin ako pinagkakatiwalaan ng mga manliligaw mo," bulong niya sa akin.

Napabuga nalang ako ng hangin.

•••

Habang naglalakad kami at nag e-explain si Gael ay hinawakan ni Kio ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Wag kang lumapit sa iba, kapag hindi ako kasama," seryoso niyang sabi sa akin.

"Mukha naman siyang mabait, Kio," ani ko sa kanya.

"Luna, kahit sino. Wag mong pagkatiwalaan, kahit kami," cold niyang sabi sa akin.

Napahinto naman ako sa paglalakad. Hindi siya makatingin sa akin. Anong ibig niya sabihin?

Chasing Love: Eight Boys Obsession 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon