Tumayo naman si Cl at hinawakan ang wrist ko.
"Kumalma nga lang kayong dalawa!" naiinis kong sabi sa kanila.
"Hindi rin siya sa'yo, Eros. Hindi ko rin hahayaan na kunin mo siya sa akin. I love her so much na hindi ko kayang magparaya," cold niyang sabi kay Eros.
"Mahal ko din siya, Cl. Alam mo 'yun," seryosong sabi sa kanya ni Eros. "If i were you, sumuko ka na. Kung ayaw mo bawian ng buhay ngayon."
"Do you really think that you can kill me?" Cl laughed. Hinaplos niya naman ang buhok ko dahilan upang tumindig ang balahibo ko. "I can kill a monster just for my Luna."
"Ano ba?! Hindi ba kayo titigil?!-"
"Kakagising lang ni Luna." Napatingin ako kay Chris na ngayon ay cold na nakatingin kila Eros at Cl. "Ayaw niyo naman siguro maging pabigat kay Luna, diba?"
Mukhang natauhan naman sila sa sinabi ni Chris at napaiwas sila ng tingin. Napakunot ang noo ko.
Parang may mali?
"I'm sorry, Luna," nakayukong sabi ni Cl at umalis.
"Kumain ka na, lalamig na ang pagkain," sabi ni Eros at umalis na.
Anong nangyari sa kanilang dalawa?
"Okay ka lang?" Chris asked.
I nod.
•••
Ng tapos na ako kumain ay nilagay ko na ang plato sa lababo. I look at him, he looks so handsome reading the newspaper.
"Chris, may jowa ka na?" Napatigil siya. Napatingin naman siya sa akin.
"Ba't mo natanong?" He asked. Sasagot na sana ako pero agad niya ako inunahan magsalita. "No."
Napaupo ako sa tabi niya, "Eh bakit naman? May hinihintay ka ba?"
He smirked. So meron nga, hindi ko akalain na may magugustuhan din siya.
"Oo, meron." Napatango naman ako.
"Curios ka sa akin?" tanong niya.
Napatango naman ako. Hinaplos niya ang buhok ko, dahilan para medyo magulat ako.
"Wag mo masyadong ipakita na cute ka, Luna. Mapapahamak ka niyan," nakangiti niyang sabi.
"Ha?"
Tumayo na siya at kinuha ang bag niya, "May pupuntahan ako. Gusto mo bang sumama?"
"No thanks, baka kailangan ako dito?" Napatango naman ito.
"Luna, sana malaman mo na." Ngumiti ito at umalis na siya.
Malaman ang alin? Napahilot nalang ako sa sintido ko. Dami ko ng iniisip, dumagdag pa 'to.
•••
Napabasa ako sa sulat at napansin kong sulat ito ni Drein.
'Meet me at the back of the garden.'
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...