"Saichi, kailangan mo na 'ata magpahinga. Alam kong pagod ka na," mahinahon kong saad sa kanya.
"No!" Agad niya ako niyakap dahilan para magulat ako. "We don't have much time left! Luna! Please! I want to feel your love! I want you! I need you! I'm begging you! Please love me!"
"What do you mean, Saichi? Anong ibig mong sabihin na wala na kayong oras?" Kumalas ako sa pagkakayap at kunot noong nakatingin sa kanya.
"Luna, I-" Napahinto si Saichi ng may kumatok sa pinto.
"Luna, nandyan ka ba?" Boses 'yun ni Liam ah? What is he doing here?
Sumeryoso ang tingin ni Saichi sa pinto at napahinga ng malalim.
"Y-yes." Binitawan na ni Saichi ang kamay ko. He looks so sad na parang may gusto siyang sabihin sa akin pero bawal.
Binuksan ko ang pinto at mukhang napansin niya 'yatang kasama ko si Saichi.
"Liam, what's wrong?" I asked.
Ngumiti ito at may binigay sa akin na pagkain.
"I made this for you. May nabasa kasi akong bagong recipe sa favorite na pagkain ni Gael kaya napag isipan kong ipagluluto rin kita ng masarap na pagkain," masaya niyang sabi sa akin.
Napangiti ako, "Thanks, Liam."
"Hindi mo naman siya pwedeng dalhan ng pagkain parati," cold na saad ni Saichi. Nakasandal siya ngayon sa pader habang naka cross arm.
"Ayos lang naman sa akin. Nagmamagandang loob lang naman si Liam." Nagseselos ba siya?
"Hindi okay lang, naintindihan ko naman si Saichi," nakangiting sabi ni Liam.
Agad siya tinulak ni Saichi at kitang-kita ko ang inis sa kanyang mata dahilan para magulat ako.
"Stop acting like an innocent man. I know you're evil... Trying to steal my girl from me. Mukhang gusto mo ng mawala sa mundo," inis na saad ni Saichi. Mukhang nagulat naman si Liam dahil sa sinabi niya.
"Saichi!" banggit ko sa pangalan niya. Alala akong tumingin kay Liam na gulat na gulat. "Pagpasensyahan mo na si Saichi. Mukhang pagod lang 'ata siya."
"O-okay lang, naintindihan ko naman siya," nakangiting sabi ni Liam at napakamot sa batok niya. "Sige, alis na ako. See you later, Luna."
Umalis na siya at agad ko sinamaan ng tingin si Saichi. Inosente lang siyang nakatingin sa akin na parang hindi niya alam ang ginawa niya.
"Why are you looking at me like that?" inosente niyang tanong sa akin.
"Bakit mo ginanun si Liam? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Ayaw ko sa kanya," sabi niya at napaiwas ng tingin. Hindi pa ako tapos magsalita ay umalis na siya.
Napailing na lamang. Hindi ko talaga siya kayang intindihin.
•••
Napahinto ako ng may yumakap sa akin sa likod. At napagtanto kong si Hevis ito.
"Hevis, what are you doing here? Nasaan 'yung iba?" tanong ko sa kanya.
"Nasa kwarto nila," mahina niyang sabi sa akin.
"Nagugutom ka na ba? Hindi pa kasi ako tapos magluto," ani ko.
"Luna, let's escape here." Napahinto ako dahil sa kanyang sinabi.
"You're in danger, Luna. Kailangan mong umalis dito." Hinawakan niya ang aking kamay habang seryosong nakatingin sa akin. "Luna, tumakas tayong dalawa. Sumama ka sa akin."
"What do you mean by that?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Please, I'm begging-"
"Shut up!" sigaw ni Eros. Lumapit siya sa amin at agad ako hinila papalayo kay Hevis. "Gagawin mo talaga ang lahat para malayo si Luna sa amin! How dare you?!"
Sumeryoso naman ang tingin sa kanya ni Hevis.
"Umalis ka dito, kung ayaw mong patayin kita," cold niyang sabi kay Eros.
"As if mapapatay mo ako, kambal," sabi ni Eros habang nakangiti ng nakakaloko.
"Itigil niyo na nga to-" naputol ang sasabihin ko ng mas lalo akong hinila ni Eros dahilan upang mas lalo akong mapalapit sa kanya.
"Hevis, kahit pa magkapatid tayo. Hinding-hindi ko ibibigay si Luna sa'yo... Because Luna is mine." Namilog ang aking mata ng hinalikan niya ako.
Itutulak ko na sana siya pero sobrang lakas niya.
"Sumusobra ka na talaga!" Agad siya tinulak ni Hevis at pumatong sa kanya si Hevis habang sinasakal ito. Kitang-kita ko ang paghihirap ni Eros dahil sa ginawa ni Hevis. "Binigay ko lahat sa'yo! Tapos ito lang gagawin mo sa akin! Si Luna lang ang mahihiling ko! Wala ng iba! If you dare steal my future wife! Kakalimutan ko talagang mag kambal tayo!"
Right! Mahinhin si Hevis kaysa kay Eros. In the novel, para sa akin mas malakas si Hevis kaysa kay Eros. Mukha mang anghel si Hevis pero kaya ka niyang patayin in just 1 second.
Pero sa novel, hinayaan niyang mag share sila kay Sol, pero ngayon it's different. Kaya niyang patayin ang kapatid niya para sa akin.
"I will... never let you have her! Even if mamatay pa ako!" sigaw ni Eros. Mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ni Eros.
"Then die, Eros." Agad ko hinawakan si Hevis.
"Tigilan mo 'yan! Mapapatay mo si Eros!" sigaw ko sa kanya, pero mukhang wala siyang narinig. Patuloy niya pa rin sinasaktan si Eros. "Hevis!"
Nagulat ako ng agad tinulak ni Gael si Hevis.
"Hevis, tumigil ka," seryosong saad sa kanya ni Gael. Tumingin siya sa akin. "Tinatakot niyo si Luna."
Mukhang nabalik naman siya sa realidad. Tumayo ito at umalis, pati na rin si Eros. Mukhang they're trying their best na kontrolin ang sarili nila. I sighed.
Mabuti nalang dumating si Gael. But what is he doing here?
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
Ngumiti ito na parang walang nangyari.
"Namiss kasi kita. Hindi ka na kasi gumagala sa bahay namin," napapout na sabi niya sa akin. Napatingin siya sa papaalis na Hevis at Eros. "Mukhang pinagkakaguluhan ka nila."
Napaupo ako at napabuntong hininga. Araw-araw mas lalong lumalala ang problema ko.
"Kailan ba 'to matatapos?" wala sa sarili kong sabi.
"Kung parati silang magkakasama, parang papatayin na nila ang isa't-isa," inosente niyang saad sa akin.
"Bakit mo nasabi 'yan?" Tumingin siya sa akin pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
"Look at them, kung wala ka siguro dito. Nagpapatayan na sila," nakangiti niyang sabi sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko. "Kahit anong pilit mo, Luna. Hindi talaga sila magkakasundo, dahil nag aagawan sila sa'yo."
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...