Dahan-dahan ko minulat ang mata ko at nakita ko si Hevis at napagtanto kong hinahaplos niya 'yung buhok ko. Napaupo ako bigla.
"Hevis? Kanina ka pa ba nandito?" Tumango naman ito. Napakunot naman ang noo ko. "A-anong ginagawa mo dito?"
"I just want to see you, kaya hinanap kita. Ang sabi ni Chris, nandito ka lang daw," paliwanag niya sa akin. Tumabi naman siya sa akin at hinila ang braso ko at pinahiga niya ako sa lap niya. "Ano bang iniisip mo, Luna? Kanina pa kita pinagmamasdan, halata sa mukha mo na may problema ka?"
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag aalala. I smiled.
"Wala akong problema, Hevis. I'm okay." Uupo na sana ako pero nagulat ako ng pinahiga niya ako ulit. Pumatong siya sa akin at niyakap ako. "H-hevis, baka may makakita sa atin? Baka ano pang isipin nila?"
"Kahit ngayon lang, Luna. Wag mo silang isipin. Ako lang dapat ang iniisip mo ngayon." Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking tenga. I can hear his heartbeat, beating so fast. "Please love me, Luna. Kahit peke lang. I want you so bad. Sa tuwing nakikita kitang kasama sila parang gusto ko silang mawala sa mundo."
Nagulat naman ako sa sinabi niya
"Hevis, what's wrong with you?" Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Hanggang ngayon pa rin ba, Luna. Iniignore mo pa rin ang nararamdaman namin para sa'yo?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Hevis, dami ko pang iniisip—"
"Luna, you're mine. Umaasa pa rin ako na dumating ang araw na mamahalin mo na ako, aangkinin kita habang buhay pa ako," sabi niya sa akin.
"Stop this nonsense—" Nagulat ako ng hinalikan niya ako. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Ramdam ko ang dila niyang nilalaro 'yung dila ko.
Agad ko siya tinulak.
"Luna, please love me!"
"Nababaliw ka na?!"
"Dati na akong baliw sa'yo, Luna! Bakit ba mas mahal mo si Kiel kaysa sa akin?! Ano bang meron siya na wala ako?!" Napahinto ako ng may nakita akong tumulo na luha sa pisnge niya. "Why? I just want you to love me. I just want your love. Bakit hindi mo kayang ibigay 'yun sa akin? I just love you so much... Sobrang sakit, na pinapamukha mo sa akin na wala talaga ako sa'yo. I love you, Luna. I really love you so much."
Nagulat ako ng niyakap niya ako. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya.
•••
Napabuga nalang ako ng hangin ng makalabas na siya sa kwarto. Nahihirapan akong palabasin siya. Hindi ko akalain na magiging ganyan siya ulit.
Akala ko nagbago na talaga siya. Pumunta ako sa labas at nagsuot ako ng jacket. Mahangin kasi sa labas kaya maginaw.
"Want some?" Napatingin naman ako kay Zayden.
"Thanks, ikaw ang gumawa nito?" Napatango naman siya.
Kinain ko naman ang cookie habang nakatingin sa buwan at bituin.
"Luna, may nakita akong interesting sa bahay na 'to. Gusto mo ba makita?" Napatigil ako at mga ilang segundo, dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
"Ha? Ano naman 'yun?" Napangiti naman siya ng nakakaloko.
Hinawakan niya naman ang wrist ko at nagsimula na kaming maglakad. Mas lumapit ako sa kanya.
"Hindi ba bawal 'to?" He just winked at me dahilan upang mapailing ako.
Nandito kami sa library at nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kinakapa-kapa niya ang mga libro dahilan para mapakunot ang noo ko.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ko.
Napatawa ito ng mahina, "Basta."
Namilog ang aking mata ng bumukas ito. Hindi ko alam na may pintuan pala dito. Agad niya naman hinawakan ang kamay ko at hinila ako.
Ng tuluyan na kaming makapasok ay agad ako napatingin sa mga pictures ko. Hindi 'to sa akin. Kundi sa novel na Luna.
"Kamukhang-kamukha mo talaga siya," mangha niyang sabi.
Naglakad-lakad pa ako at tinignan ang paligid. Napahinto ako sa nakita ko. Kutsilyo? May dugo ito.
"I think that's for you." Napatingin naman ako sa kanya.
"What? Paano ka naman nakakasigurado?" natatawa kong tanong sa kanya. Sa totoo lang, kinakabahan na talaga ako. Hindi ko lang pinapakita.
"Wala lang, feel ko lang. Don't tell me, natatakot ka sa dugo?" he asked. Napailing ako. "I'm sure, hindi 'yan dugo sa tao."
Kinuha ko naman ang kutsilyo, "Can i keep this?"
"Oo naman, kaya naman siguro nilagay 'yan dito kasi hindi na magagamit," nakangiti niyang sabi sa akin.
Napahinto ako ng may nakita ako sa pader na nakasulat ay 'run'. Inakbayan naman ako ni Zayden.
"Dami talaga niyang kalokohan." Napailing nalang siya.
Napatingin naman ako sa kutsilyo na hawak ko.
"Dugo ba 'yan?"
"What?"
"Iyung ginamit pangsulat? Dugo ba 'yan?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam, pero hindi naman 'yata iyan dugo. Wala namang killer sa bahay," sabi niya sa akin. "Hali ka na, baka mapansin nilang nawawala tayo?"
Napatango na lamang ako. Kahit nagtataka pa rin ako.
•••
Run? Sino bang nagsulat nun? May kinalaman ba siya sa nangyayari sa buhay ko ngayon? Kahapon pa ako hindi makatulog kakaisip.
"Luna," tawag sa akin ni Eros. Niyakap niya naman ako, habang nakatalikod ako. "Good morning."
"G-good morning." Ngumiti naman ako kahit pilit lang.
"May problema ba?" alala niyang tanong sa akin. Napailing naman ako. "By the way, tapos na ako magluto ng pagkain para sa'yo."
Hindi pa ako nakapagsalita ay hinila na niya ako. Ng makapunta na kami sa kitchen ay pinaupo na niya ako sa upuan.
At susubuan na sana ng pagkain ng nagulat ako ng agad ito kinain ni Cl.
"Hindi ko akalain na masarap ka pala magluto, bakit hindi mo tinulungan si Hevis magluto kahapon?" nakangiting tanong niya kay Eros.
"Busy ako," cold niyang sagot kay Cl. "Pwede ba? Iwan mo muna kami ni Luna?"
"Ayaw ko." Napataas naman ng isang kilay ni Eros halatang naiinis na ito. Tumabi naman si Cl sa akin at inakbayan ako. "Luna is my girlfriend kaya bakit ko siya iiwan dito? Lalo na't kasama ka niya. Mukha mo palang hindi na pwedeng pagkatiwalaan."
"Oh you mean, fake girlfriend?" Nilapit naman ni Eros ang mukha niya kay Cl. "Hindi siya sa'yo. Sa simula palang hindi na talaga siya naging sa'yo, Cl. Akin lang si Luna."
Nagulat ako ng hinila ako ni Eros at niyakap ako.
Para naman akong teddy bear nito, pinag aagawan ng dalawang bata. Napabuga nalang ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...