Binuksan ko ang pinto and as expected ang tahimik ng bahay ko. Wala na si Kio para yakapin ako. Wala na rin 'yong ibang boys para gumawa ng gulo at mag ingay.
Napaupo ako sa sahig at niyakap ang sariling tuhod ko. Miss ko na kayo! Please! Come back!
•••
"Ang weird, nasaan na 'yong mga lalaki na bumibisita sa'yo dito?" tanong ni Jullian sa akin.
"Wala na sila," sabi ko at kinain nalang ang hamburger.
"Ha? What do you mean?" Ngumiti lang ako.
"Ba't ang dami mong tanong? Kumain ka na nga lang," inis kong sabi sa kanya. Napapout naman ito at kinain nalang ang pagkain niya.
•••
Nag stretching ako at nilasap ang sariwang hangin. Hayst! Nakakapagod ngayong araw na 'to. Nagulat ako ng may umakbay sa akin.
"Luna~"
"Gael, what are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"Namiss kita eh," nakapout niyang sabi sa akin.
Gael at si Zayden nalang ang natira. They treat me like a older sister or a friend. Masaya na kami na komportable kami sa isa't-isa. Sila 'yong nandyan nung wala na 'yong boys.
"Oh right, inutusan ko pala si Zayden na bumili ng ingredients para sa pagkain mamaya," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Huh? Eh sinong luluto kung nandito ka?" nagtatakang tanong ko.
"Siya rin." Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"I'm sure malilintikan ka talaga pag uwi mo," natatawa kong sabi sa kanya.
Niyakap niya naman ang braso ko dahilan para mas lalo akong mapatawa.
"Luna~ ipagtatanggol mo naman ako~" nakapout niyang sabi sa akin. Napailing na lamang ako. "Pumunta ako dito kasi namiss kita. Hindi naman pwede na i-endure ko 'to habang buhay."
Napabuntong hininga nalang ako, "Wag mo ako idamay sa kalokohan mo, Gael. Ang sabihin mo ginawa mo lang akong excuse kasi tinatamad ka."
"Pero totoo naman eh. Miss talaga kita, pakiss." Agad ko pinitik ang noo niya dahilan para mapahawak siya sa noo niya.
•••
"Gael! Napakatamad mo talaga! Ang sabi ko dito ka lang sa bahay! Wala naman akong sinabi na gumala ka! Alam mo bang pagod na pagod na ako kakahanap ng ingredients tapos ako pa magluluto! Kapal ng mukha mo!" Tumawa lang ako dahil sa nakikita ko. Ngayon ko lang nakitang galit na galit si Zayden. Madami kasi siyang ginawa, kailangan niya pa mag aral para makakuha ng magandang grades tapos inaasikaso niya pa 'tong bahay na 'to.
BINABASA MO ANG
Chasing Love: Eight Boys Obsession 2
Romance(Completed) Akala niya babalik na sa normal ang buhay niya. Masaya man ito na nabuhay ang walong lalaki pero hindi mawala sa kanya ang pagtataka. May mga bagong lalaking darating sa buhay ni Luna. Isa sa kanila ang magpapanggap na mabuti. Isa sa...