Enjoy reading!"Hoy, Ronalyn lumabas ka riyan! Magbayad ka na. Kung hindi ay umalis na kayo rito." Napamulat ako ng mata ko dahil sa sigaw. Nagising din ang dalawa kong kapatid.
Agad kong inayos ang sarili ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa pinto. At bumungad sa 'kin ang mataray na mukha ni Aling Delia.
"Good morning po---"
"Magbayad ka na. Kailangan ko rin ng pera." Putol niya sa sasabihin ko. Agad akong kumuha ng pera sa bulsa ng shorts ko at binigay iyon sa kanya. Agad niya namang tinanggap at binilang 'yon.
"Kulang. Isang buwan lang ito. Dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta." Masungit niya pa ring sabi.
"E, Aling Delia, 'yan lang po muna ang maibibigay ko. Hayaan niyo po at pag iipunan ko pa ulit 'yong isang buwan." Sagot ko.
"Pasalamat ka, Ronalyn at may awa pa ako sa inyong magkakapatid." Sabi niya at umalis na. Bumuntong hininga ako bago isinarado ang pinto.
"Ate, may pera ka pa ba?" Biglang tanong sa 'kin ni Geraldine.
"Bakit?" Tanong ko.
"Baka po kasi wala ka ng pera. Hindi po muna ako papasok." Sabi niya.
"Meron pa akong pera. Ito, baon niyo ni Charles. Sige na, mag asikaso na kayo para hindi kayo ma late sa pagpasok." Sabi ko at binigay sa kanila ang natitira kong pera. Agad niya namang kinuha iyon at umalis na sa harapan ko.
Ang iisipin ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng pera pambili ng bigas at ulam namin mamaya.
Nang makaalis na ang dalawa kong kapatid ay agad kong tinawagan si Michelle. Siya lang ang tanging mahihingian ko nang tulong ngayon.
"Hello?"
"Hello, Mich?" Sagot ko.
"Bakit? Kumusta?" Tanong niya.
"Okay lang naman kami. Mangungutang sana ako sa 'yo." Sagot ko.
"Sure. Magkita tayo mamaya dahil may irerekomenda akong trabaho sa 'yo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Sige. Text mo sa 'kin kung saan tayo magkikita." Sabi ko.
"Sige. Mamaya na lang tayo mag-usap. May kailangan pa akong gawin. Bye, see you later." Paalam niya at agad na tinapos ang tawag.
Bigla akong na excite sa sinabi ni Michelle. Sana ay tuloy-tuloy na ang trabaho kong ito.
Nagkita kami ni Michelle sa isang fast food. Pagdating ko roon ay agad ko siyang nakita kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan.
"Bakit dito? Wala akong pera pambayad sa mga pagkain." Sabi ko.
"Ano ka ba. Syempre, libre kita. Ito na ang hiniram mong pera at huwag mo ng bayaran." Sabi niya at binigay sa 'kin ang pera na hiniram ko.
"Hindi. Babayaran ko 'to, Mich. Ililibre mo na nga ako rito tapos hindi ko pa babayaran 'to," sabi ko.
"Huwag na, Ronalyn. Bigay ko na 'yan sa inyo ng mga kapatid mo. Nga pala, yung tungkol sa trabaho na inaalok ko sa 'yo. Magiging kasambahay ka. Sabi ni Mrs. Pritzker ay kung pwede raw bukas ka na magsimula." Nagulat ako sa huling sinabi niya. Bakit parang ang bilis?
"Agad-agad? Wala pa nga akong resume na pinapasa." Gulat kong sabi.
"Syempre, ako na ang gumawa no'n. Pero lilinawin ko lang sa 'yo na ro'n ka titira. Ikaw ang maaglilinis ng bahay, magdidilig ng mga halaman at lahat-lahat. Minsan lang naman umuuwi ang anak ni Mrs. Pritzker dahil abala 'yon sa ibang bansa." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 4: Grayson Pritzker
RomanceSi Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon...