Enjoy reading!
Mabuti na lang at inutusan akong mag saing dahil nakapag pahinga ako kahit papaano. Pagkatapos kong mag saing ay agad kong sinunod ang pagluto ng ulam ko. Dahil meron naman daw ulam sina Ma'am Grace at Xiannara kaya ulam ko na lang ang lulutuin ko. Mayroong isda sa ref kaya agad kong nilinisan iyon at pinirito.
Nang matapos ay hinanda ko na ang gagamiting plato at iba pang utensils nina Ma'am Grace at Xiannara.
"Talagang matigas ang ulo mo at ayaw mong umalis rito." Napatingin ako kay Xiannara nang magsalita siya.
"Nagtatrabaho po ako rito. At wala naman po akong kasalanan kaya bakit po ako aalis?" Matapang kong sagot sa kanya. Halatang nagalit siya sa sinabi ko.
"Talagang matapang ka, Ronalyn. Tingnan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo." Sabi niya at inilang hakbang niya lang ako at agad na hinila ang aking buhok.
Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para awatin siya sa pagsabunot sa akin.
"Ano? Matapang ka 'di ba? Lumaban ka, Ronalyn!" Nahihirapan niyang sabi habang patuloy pa rin sa pag sabunot sa akin.
"T-tama na po," sabi ko at pilit pa ring tinatanggal ang mga kamay niya sa buhok ko. At naramdaman ko ang pag guhit ng mahaba niyang kuko sa braso at pisngi ko.
"Xiannara, tama na 'yan." At doon lang siya tumigil nang magsalita si Ma'am Grace. Agad kong inayos ang nagulo kong buhok.
Masama ang tingin niya sa akin habang papunta siya sa tabi ni Ma'am Grace. Agad naman akong dinaluhan ni Manong Gilbert. Hindi ko ininda ang hapdi ng sugat ko sa braso at pisngi. Para akong namanhid sa ginawa niya at gusto ko ng umiyak sa harapan nila.
Tiningnan ko lang sila at ilang sandali pa ay sabay silang lumabas ng kusina.
"Hija, may sugat ka sa braso at sa pisngi." Nag-aalalang sabi ni Manong Gilbert.
"O-okay lang po ako, Manong. Gagamutin ko na lang po 'to." Sagot ko.
"Kailangan malaman ito ni Sir Grayson, hija. Hindi pwedeng ganyanin ka na lang palagi ni Ma'am Xiannara." Sabi niya.
"Huwag na po, manong. Kung maaari po sana ay huwag ng malaman 'to ni Sir Grayson." Sagot ko. Tiningnan niya ako na para bang naaawa siya sa nakikita niya da akin.
"Hija, parang anak na rin ang turing ko sa 'yo. Pero sana huwag mong hayaan na apihin ka ng iba nang dahil lang mayaman sila o dahil mahal mo lang yung isang tao. Minsan kailangan mong lumaban din." Sabi niya. Hindi ko na napigilan na hindi umiyak sa harap ni Manong Gilbert. Agad niga akong niyakap.
"Salamat, Manong Gilbert." Umiiyak kong sabi.
"Sige na, kakain na ako. Kumain ka na rin. May kanin at ulam ka na ba?" Tanong niya pagkatapos niya aking yakapin.
"Meron na po akong ulam. Hinihintay ko lang po na maluto yung sinaing." Sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Sige na, mauuna na akong kumain. Kapag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako." Paalam niya at lumabas na ng kusina.
Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at pinagpatuloy ang mga gagawin sa kusina.
Pagkatapos kumain ay umalis na rin si Ma'am Grace at Xiannara kaya nakahinga na ako nang maluwag. Ginamot ko na rin ang sugat ko sa braso at sa pisngi.
Pagkatapos kong maghugas nang pinagkainan ay lumabas ako ng bahay at pinuntahan ang kanina ay ginagawa ko sa mga salamin.
Ngunit sa kalagitnaan nang paglilinis ko ay biglang tumunog ang selpon ko sa bulsa hudyat na may tumatawag. Huminto ako sa paglinis ng salamin at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pangalan ni Sir Grayson ang lumabas sa screen kaya agad akong napangiti.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 4: Grayson Pritzker
RomanceSi Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon...