Chapter 15

6.8K 97 13
                                    



Enjoy reading!

Nang makapag saing ako at nakapag luto ng ulam ay bumalik ako sa likod ng bahay upang tingnan ang nilalabhan kong mga kurtina. Ngunit bigla namang tumunog ang selpon ko na nasa bulsa. Inilabas ko 'yon at pangalan ni Michelle ang lumabas sa screen. Agad kong sinagot.

"Ronalyn, s-si Charles..." Umiiyak na sabi ni Michelle mula sa kabilang linya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kahit hindi pa sinasabi ni Michelle kung anong nangyari sa kapatid ko. Base sa boses niya ay alam kong may nangyari.

"Mich, anong nangyari? A-anong nangyari sa kapatid ko?" Taranta kong tanong.

"N-nasa Lexus Medical Hospital kami ngayon. Nabangga ng kotse ang kapatid mo at nasa emergency room pa siya." Pagkatapos sabihin ni Michelle iyon ay agad ko ng tinapos ang tawag at mabilis kong itinigil ang pag-andar ng washing machine at tumakbo. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko.

Nang nasa harap na ako ng bahay ay nakita ako ni Manong Gilbert kaya agad siyang lumapit.

"Ronalyn, anong nangyari? Saan ka pupunta?" Nag-aalala niyang tanong.

"Sa hospital po. Nasa hospital po ang kapatid ko, Manong Gilbert." Umiiyak kong sabi.

"Halika, ihahatid kita sa hospital." Nagmamadali niyang sabi at naunang pumasok sa kotse. Sumunod ako at pumasok sa front seat. Agad namang pinaandar ni Manong Gilbert ang kotse at lumabas ng gate.

Sinabi ko kay Manong Gilbert sng pangalan ng hospital. Mabuti na lang at alam niya kung saan iyon. Halos kalahating oras din ang byahe namin bago nakarating sa hospital.

"Salamat po, Manong Gilbert. Okay na po ako rito." Sabi ko nang huminto ang kotse sa harap mismo ng hospital.

"Magiging maayos din ang kapatid mo. Ako na ang bahala kay Madam Grace." Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Maraming salamat po talaga. Ingat po kayo." Paalam ko at lumabas na ng kotse. Mabilis ang bawat lakad ko papasok sa loob ng hospital.

Marami din akong nakikita na mga tao na abala rin sa pag-aalaga sa mga taong mahal nila sa buhay.

"Ronalyn!" Sigaw ni Michelle sa pangalan ko nag makita niya ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap niya ako.

"Mich, n-nasan ang kapatid ko?" Umiiyak kong tanong.

"Nasa emergency room pa rin si Charles. Hindi pa rin lumalabas ang doctor." Sagot niya.

"Dalhin mo ako doon. Si Geraldine?" Tanong ko.

"Nandon siya at hinihintay pa rin na lumabas ang doctor." Sagot niya. Naglakad kami papunta sa emergency room at malayo pa lang ay tanaw ko na si Geraldine na hindi mapakali at panay ang tingin sa pinto ng emergency room.

Napahinto lang siya sa ginagawa nang makita kami na naglalakad.

"Ate, sorry." Umiiyak niyang sabi. Hindi ako nagsalita. Agad ko siyang niyakap.

"Wala kang kasalanan. Tahan na. Magiging maayos rin si Charles. Matapang si Charles at alam kong kayang kaya niyang lumaban. Kaya tahan na." Sabi ko at pinunasan ang luha ko na tumulo.

Walang ibang magpapalakas ng loob ko kundi sarili ko lang din.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko nang kumalma na si Geraldine.

"Nagpaalam siya sa 'kin, ate na bibili lang ng mga kakailanganin niya sa kanyang project. T-tapos tinawag ako ni Aling Delia at sinabing n-nabangga ng sasakyan si Charles." Umiiyak niyang sabi.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon