Chapter 16

6.4K 107 14
                                    



Enjoy reading!

Dala-dala ang mga gamit namin ay naglalakad kami ni Geraldine hababg tirik na tirik ang araw.

"Ate, nauuhaw na ako." Reklamo ng kapatid ko at binitiwan ang dala niyang malaking bag. Wala naman kasi talaga kaming patutunguhan kung saan kami pupunta.

Ang gusto ko lang ay makalayo sa apartment na 'yon. Kahit ako ay nauuhaw na rin dahil sa init.

"Doon tayo." Turo ko sa isang tindahan sa kabilang daan. Agad akong tumingin sa kaliwa at kanan bago kami tumawid ni Geraldine habang bitbit ang mga gamit namin.

"Ate, pabili po ng dalawang tubig. 'Yong tig sampong piso po." Sabi ko sa babaeng nagtitinda. Agad naman siyang nag-abot ng dalawang bote ng tubig at binayaran ko iyon.

Kahit sa pag-inom ko ng tubig ay iniisip ko pa rin kung saan ba kami pupunta? Kung saan kami ngayong gabi matutulog? May mga ilang apartment na rin kaming napuntahan ngunit lahat iyon ay wala ng bakante.

"Ate, saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Geraldine.

"Maghahanap pa ulit tayo. Magtiwala ka lang may mahahanap din tayong matutuluyan ngayong gabi." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya. Gustuhin ko man na umiyak ay hindi pwede. Ako na lang ang maaasahan ng mga kapatid ko kaya hindi pwedeng ipakita ko sa kanila na mahina ako.

Pagkatapos naming uminom ng tubig at magpahinga saglit ay muli kaming naglakad. Halos kalahating oras din ang paghahanap namin bago kami nakakita ng isang apartment. Hindi man siya sementado ngunit okay na 'to kaysa wala na kaming matuluyan.

"Dalawang libo ang down payment, hija." Sabi ng matanda na may-ari ng apartment. Agad akong kumuha ng dalawang libo sa bulsa ko at binigay iyon sa kanya.

"Ito ang susi ng bahay. Pwede na kayong tumuloy riyan." Sabi niya at inabot sa akin ang isang susi.

"Salamat po." Sagot ko.

"Walang ano man. Ano nga pala ang mga pangalan niyo?" Tanong niya.

"Ako nga po pala si Ronalyn Tuazon at siya naman po si Geraldine kapatid ko po." Pagpapakilala ko.

"Ako naman si Marla. Tawagin mo na lang akong Nanay Marla. Iyon ang tawag nila sa akin." Sabi niya.

"Sige po, Nay Marla, pasok na po kami. Salamat po ulit." Paalam ko. Tumango lang siya at ngumiti sa amin.

Muli naming binuhat ang mga gamit namin at agad na binuksan ang pinto ng apartment. Maayos naman kahit papaano ang loob. Mayroong mga kaonting sira na plywood ngunit kaya pa namang tirhan.

"Ate ako na po ang mag-aayos nitong mga gamit natin." Sabi niya.

"Sige. Dito ka lang at bibili ako ng makakain nating tanghalian." Turan ko. Tumango lang siya kaya agad na akong lumabas upang makahanap ng mabibilhan ng pagkain.

Hindi naman ako nahirapan na maghanap ng mabibilhan ng pagkain dahil marami namang tindahan at karinderya malapit sa bago naming apartment. Bumili lang ako ng dalawang balot na kanin at isang putahe na ulam. Paghahatian na lang namin ito ni Geraldine.

Pagbalik ko sa apartment ay nag-aayos pa rin siya ng mga gamit namin. Mabuti na lang at dala namin ang mga kagamitan sa kusina kaya hindi na namin kailangan pang bumili ulit.

"Gerat, tama na muna 'yan. Kumain muna tayo." Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang huminto sa pag-aayos at lumapit sa lamesa.

Binigyan ko siya ng plato at kutsara at binigay ko rin sa kanya ang isang balot na kanin. Pagkatapos ay nilipat ko sa isang maliit na mangkok ang binili kong ulam.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon