Chapter 10

7.8K 133 14
                                    



Enjoy reading!


Habang nagluluto ako ng ulam para sa hapunan ay nag-iisip ako kung paano ko ba makukumbinsi si Sir Grayson na bumalik sa ibang bansa.

"What's wrong?" Muntik ko nang matapon ang niluluto kong adobo nang may nagsalita sa likod ko. Agad akong lumingon at mukha ni Sir Grayson ang nakita ko.

"S-sir..."

"Sabi ko naman sa 'yo na huwag mo na akong tawaging sir kapag tayo lang dalawa." Seryoso niyang sabi.

"Nanggugulat ka naman kasi," sabi ko at bumalik sa niluluto ko.

"Mukhang masarap 'yan." Sabi niya nang hindi umaalis sa likod ko. Ramdam ko ang dibdib niya na sa likod ko.

"Gutom ka na ba? Sandali na lang 'to. Magbihis ka muna." Sabi ko.

"Okay. I'll be back." Sabi niya at nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umalis.

Habang hinihintay kong maluto ang adobo ay hinanda ko na ang kanin at mga pinggan sa lamesa. Kumuha na rin ako ng kutsara, tinidor at baso.

Nang luto na ang adobo ay isinalin ko 'yon sa isang lagayan at inilagay na sa lamesa. At habang hinihintay si Sir Grayson ay nag-iisip pa rin ako kung paano ko siya makukumbinsi na bumalik ng ibang bansa. Paano kung ayaw niya talaga? Paano na lang ako? Paano kami ng mga kapatid ko kapag pinaalis ako rito ni Mrs. Pritzker.

"Let's eat?" Napakurap ako at tumingin kay Sir Grayson.

"Ah oo. Tara na." Sabi ko at agad siyang nilagyan ng kanin sa plato. Pagkatapos ay ulam.

Tahimik kaming kumakain at tanging kutsara at plato lang ang maririnig.

"May problema ka ba?" Napaangat ako ng mukha dahil sa kanyang tanong.

Siguro ngayon na talaga ang tamang oras upang sabihin sa kanya. Ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Ronalyn, tell me. What's your problem?" Ulit niyang tanong.

"A-ano...k-kailan ka babalik ng Italy?" Kinakabahan kong tanong.

Nakita kong kumunot ang noo niya at huminto siya sa pagkain kaya mas lalo akong kinabahan. Nagtatanong lang naman ako. Wala namang mali roon.

"Why?" Maikling tanong niya.

"W-wala naman. Naitanong ko lang." Sagot ko. Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang binabasa ang iniisip ko.

"Gusto mo bang bumalik ako ng Italy?" Tanong niya. Oo, gusto kong bumalik ka na ng ibang bansa dahil kung hindi ay ako ang mapapaalis dito.

"Oo, I mean kasi diba may business ka rin naman doon. Baka kasi napabayaan mo na." Paliwanag ko.

"So, you want me to go back to Italy?" Sabi niya at uminom ng tubig.

"Hindi sa pinapaalis na kita. Pero---"

"Is that what my mom told to you? Na pabalikin ako ng Italy?" Nagulat ako sa tanong niya. Alam ba niya na pumunta rito kanina ang mama niya?

"Tama naman kasi ang mama mo. Baka napabayaan mo na ang negosyo niyo roon." Sagot ko.

"Paano ka? Ayaw kong iwan ka rito." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Kaya ko naman dito. Hindi naman ako aalis." Sagot ko.

"Paano kung bigla kang aalis nang hindi ko alam?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi. Hindi mangyayari 'yon. Promise, hindi ako aalis dito." Sabi ko.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon