Chapter 11

7.1K 139 11
                                    



Enjoy reading!

Warning: SLIGHT SPG!

BUONG ARAW akong sunod nang sunod sa kanya. Pagkatapos naming pumunta sa Pritzker Bar ay pumunta naman kami sa isang hotel na pagmamay-ari niya rin. Ano pa ba ang business ng lalaking 'to? Parang ang dami naman.

Alas singko na nang makauwi kami. Nakakapagod pala kapag naging mayaman. Kung saan siya pumunta ay nakasunod din ako. Kaya pag-uwi ay pagod ako.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay napa-buntong hininga ako. Magluluto pa pala ako ng hapunan namin.

"Are you tired?" Tanong niya.

"Okay lang. Magbibihis lang ako tapos magluluto na ng hapunan natin--"

"Huwag na. Magpa-deliver na lang tayo." Putol niya sa sinasabi ko.

"Pero--"

"Pagod ka na. Magbihis ka na ro'n at ako na bahala magpa-deliver." Sabi niya at hinatid pa ako sa pinto ng kwarto kung saan ako natutulog.

Agad kong isinarado ang pinto at kumuha ng damit na pamalit ko. Kaya ko pa naman magluto. Ewan ko ba sa lalaking iyon ang hilig bumili ng pagkain sa labas.

Nang matapos na akong magpalit ng damit ay lumabas na ako ng kwarto. Pumunta ako sa sala nag baka sakali na naroon si Sir Grayson ngunit wala siya. Siguro ay nasa kwarto pa niya at nagbibihis din. Ang sunod kong pinuntahan ay ang kusina. Ngunit napahinto ako nang makita ko roon si Sir Grayson na nakaupo habang umiinom ng kape.

"Gutom ka na ba?" Biglang tanong niya.

"H-hindi pa naman." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay kanina pa talaga tumutunog ang tiyan ko. Kaya nga naisip kong pumunta ng kusina dahil iinom sana ako ng tubig.

"Kailangan ko pa bang umalis, Rona?" Tanong niya pagkatapos niyang uminom ng kape.

"Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" Tanong ko.

"Parang ayaw kong umalis. Simula nang makita kita rito sa bahay ko ay parang wala na akong gana pang bumalik ng Italy." Sagot niya. Halatang napipilitan lang siyang bumalik ng Italy.

"Kailangan mong bumalik doon. Hindi pwedeng hindi. Iyon ang gusto ng mama mo. Huwag mong pabayaan ang negosyo niyo ng dahil lang sa 'kin. Promise ko sa 'yo hindi ako aalis dito." Sagot ko at tinaas ko pa ang aking kanang kamay.

"Hindi ako naniniwala sa promise, Ronalyn. Kaya kahit umalis ka man at iwan ako ay hahanapin pa rin kita." Napaka seryoso ng boses niya na para bang isang banta iyon na kapag iniwan ko siya ay hindi pa rin ako makakatakas sa kanya.

"Excuse me, sir at Ronalyn. Narito na po ang pina deliver niyo." Napatingin ako kay Manong Gilbert habang dala-dala ang pina deliver na mga pagkain ni Sir Grayson.

Agad ko siyang sinalubong at kinuha ang iba pa niyang dala.

"Salamat, Rona." Sabi niya at nilapag sa lamesa ang mga dala.

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, hindi pa. Katatapos ko lang magluto rin ng ulam ko." Sagot niya.

"Ganon po ba? Sandali lang po at bibigyan ko kayo ng isa pang ulam niyo." Sabi ko at dali daling kumuha ng mangkok na paglalagyan ng ulam niya.

"Nako, huwag na. Nakakahiya sa inyo ni sir." Nahihiyang sabi niya.

"It's okay, Manong Gilbert. Tanggapin niyo na lang po." Sagot ni Sir Grayson. Agad akong kumuha ng isang ulam at isinalin iyon sa mangkok na dala ko. Mukhang maraming inorder itong lalaking 'to. Dalawa lang naman kami ang kakain.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon