Chapter 6

9.1K 160 31
                                    


Enjoy reading!

Nang hapon din na 'yon ay sinundo ni Michelle si Ralph. Sabay silang pumunta sa apartment kung saan ako nakatira. Meron din silang dalang mga pagkain na kakainin namin habang nanunuod ng movie.

"Hi, Rona." Bati ni Ralph nang makapasok na sila sa loob ng bahay. Nakita ko naman si Michelle na todo ngiti sa gilid. Ngiting nang-aasar.

"Hello, Ralph. Upo kayo." Sabi ko at itinuro ang lumang sofa. Agad naman siyang umupo at ganon din si Michelle.

"Teka lang at kukunin ko 'yong tinimpla kong juice." Paalam ko at agad na kinuha ang tinimpla kong juice at mga baso.

Pagkaraan ay nagsimula na kaming manuod. Horror ang palabas at minsan ay nagugulat ako at napapasigaw. Baka nga rinig na sa labas ng apartment ang boses ko.

"Takot ka ba? Pwede mong hawakan ang braso ko." Napatingin ako kay Ralph na ngayon ay nakatingin sa 'kin.

"O-okay lang. Nakakagulat lang." Sagot ko at napatingin ako sa tv nang sumigaw si Michelle dahil biglang lumabas ang isang pangit na mukha.

Sa gitna nang katahimikan namin habang nanunuod pa rin ng palabas ay biglang tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag. Nagulat pa kaming tatlo sa pag tunog. Hindi ko kilala ang tumatawag. Number lang ang nakalagay. Pero agad ko namang kinuha ang selpon ko na sa sa lamesa.

"Sandali lang. Sasagutin ko lang 'to." Paalam ko sa kanila at pumunta sa kusina.

"Hello?" Sagot ko sa tumatawag.

"Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko?" Boses pa lang ay alam ko ng si Sir Grayson 'to.

"Pasensya na po, sir. Hindi ko po napansin dahil nanunuod po kami ng palabas sa tv." Sagot ko.

"Sino ang mga kasama mo?" Tanong niya.

"Si Michelle po 'tsaka si Ralph. Mga kaibigan ko lang po." Sagot ko.

"So, you're with Ralph right now? Nanliligaw ba siya sa 'yo, Rona?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Po? Nanliligaw po siya dati pero hindi na po ngayon." Sagot ko. Hindi ako sure. Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Susunduin kita bukas ng hapon. Sabay tayong uuwi." Sabi niya.

"Sige po." Maikling sagot ko. Pagkatapos nang pag-uusap namin ay bumalik na ako sa sala at patuloy pa rin sina Michelle at Ralph sa panunood.

"Sino 'yon?" Tanong ni Michelle nang tumabi ako sa kanya.

"Si Sir Grayson." Sagot ko.

"Ano raw sabi?" Tanong niya.

"Wala. Tinanong lang kung bakit daw hindi ako nagre-reply sa mga text niya. At susunduin niya raw ako bukas nang hapon." Sagot ko.

"Good luck." Iyon lang ang tanging sinabi niya at nagpatuloy sa panunood.

Tiningnan ko naman ang selpon na ko na maraming text mula kay Sir Grayson.

——

Kinabukasan, ay maaga akong gumising at naglinis ng bahay. Pagkatapos kong malinis ang loob ay lumabas ako para magwalis sa harap ng apartment namin. Nakita ko rin si Aling Delia na nagdidilig ng kanyang mga halaman.

"Good morning, Ronalyn." Bati niya sa 'kin habang nakangiti. Mukhang maganda ang umaga niya.

"Good morning din po, Aling Delia. Mukhang maganda po ang umaga niyo ah." Nakangiti kong sabi.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon