Chapter 24

6.3K 100 6
                                    




Enjoy reading!

"Ronalyn." Napatingin ako kay Grayson nang tawagin niya ako. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Wala na sa paningin ko si Xiannara ngunit nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko.

"Let's eat." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko upang hilahin ako patungo sa mesa. Ngunit agad ko ring binawi ang kamay kong hawak niya kaya napatingin siya sa 'kin. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa umupo sa bakanteng upuan.

"Hija, sinangag na kanin?" Alok ni Manang Alma. Ngumiti ako sa kaniya at agad na inabot ang sinangag na kanin. Na-miss ko rin kainin ang sinangag na kanin. Bihira na lang kasi ako magluto nito.

"Ipinaluto ko 'yan kay Manang Alma dahil alam kong paborito mo 'yan kainin sa umaga." Biglang sabi ni Grayson at umupo rin sa isang bakanteng upuan. Tumango lang ako at nagsimula ng kumain.

Nagpaalam din si Manang Alma na lalabas raw muna kaya kaming dalawa na lang ang narito sa kusina habang kumakain. Nanatili akong kumakain at tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang nagsisilbing ingay.

"Pasensiya ka na kay Xiannara. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit 'yon. Hindi ko rin alam na pupunta siya rito." Biglang sabi niya sa gitna ng pagkain namin.

"Okay lang." Maikli kong sagot. Sinulayapan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa'kin.

"I think we need to talk after our breakfast." Sabi niya kaya napahinto ako sa pagkain at tumingin sa kaniya.

"May sasabihin din ako sa 'yo." Diretso kong sabi at nagpatuloy na muli sa pagkain.

Hindi na rin siya nagsalita pa muli. Nauna akong natapos kumain at hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Dahil sigurado ako kapag narito si Manang Alma ay hindi niya ako hahayaan na maghugas ng mga plato.

"Sa kwarto tayo mag-uusap." Nagulat ako sa biglaan niyang pagsalita sa likod ko kaya napalakas ang pagpatong ko ng plato na naglikha ng ingay. Mabuti na lang at hindi nabasag iyong plato.

"Sa sala na lang." Mabilis kong sagot. Bakit kailangan sa kwarto pa niya?

Hindi siya sumagot at parang pinag-iisipan pa niya kung papayag siya o hindi.

"Fine." Maikli niyang sagot at agad na umalis ng kusina. Binilisan ko na rin ang paghugas ng pinagkainan namin at pagkatapos ay sumunod na rin ako sa kaniya sa may sala.

Abala siya sa kaniyang selpon at nang makita niya akong papalapit ay agad siyang huminto at itinago ang selpon niya sa kaniyang bulsa.

Umupo ako sa isang mahabang sofa. At siya naman ay nakaupo sa pang isahang upuan. Nakatingin siya sa 'kin at para bang hinihintay ang sasabihin ko.

"I-ikaw muna ang mauna." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Umayos siya ng pag-upo bago nagsalita.

"Pupunta tayo sa bahay ni mama." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit pati ako kasama? Baka nakakalimutan niyang ayaw sa akin ng mama niya? At baka kung ano lang din ang masabi ko kay Mrs. Pritzker.

"Ikaw na lang. Ikaw lang naman ang anak niya. Bakit pati ako isasama mo?" Sagot ko.

"Gusto ko nandon ka. I will tell to mom about us." Sagot niya.

"Hindi na kailangan. Aalis na rin naman ako rito. Mukhang mahaba haba pa ang bakasyon mo rito." Wika ko. Ayokong maabutan dito ng dalawa. Ayoko na ng gulo. Ayoko na makipag away. Kumunot naman ang noo niya.

"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.

"Sa hotel na muna siguro ako. Kaya naman ng budget ko." Diretso kong sagot.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon