Chapter 18

6.7K 112 28
                                    


Enjoy reading!

"Ronalyn, may bisita ka sa labas." Bungad ni Aling Edna. Napahinto ako sa pag sandok ng ulam sa sinabi niyang 'yon. Sino naman ang bibisita sa akin dito? Kung si Michelle 'yon ay dapat dumiretso na siya sa pagpasok dito sa loob.

Ibinigay ko muna ang gawain ko kay Ralph at agad na lumabas ng karinderya. May isang itim na kotse na nakahinto sa tapat at agad na bumukas ang bintana sa back seat at mukha ni Ma'am Grace ang nakita ko. Lumapit ako sa sasakyan niya.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"Here. Kailangan niyong umalis ng San Miguel, Ronalyn. Uuwi si Grayson ngayong gabi at ayaw kong makita ka pa niya rito." Seryoso niyang sabi at inabot sa akin ang isang puting sobre na medyo makapal ang laman.

Talagang naglaan pa siya ng oras upang puntahan ako rito at iabot ang pera na 'yan. At upang sabihin na umalis kami rito ng San Miguel.

"Huwag po kayong mag-alala kahit hindi niyo po sabihin ay aalis talaga kami rito sa San Miguel. Sa 'yo na rin po 'yang pera niyo. Hindi ko na po 'yan matatanggap." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil kahit papaano ay matanda siya sa akin. Konting konti na lang ay mawawalan na ako ng respeto sa matandang 'to.

"Tapos, ano? Hindi ka susunod sa pinag-usapan natin? Don't worry, hindi ko na pababayaran 'to sa 'yo basta sumunod ka lang sa napag-usapan natin." Turan niya.

Huminga ako nang malalim at saglit na pumikit. At pagkaraan ay muling nagsalita.

"Ma'am, susunod po ako sa napag-usapan natin. Sapat na po na sinagot niyo ang hospital ng kapatid ko. Sa 'yo na po 'yang pera niyo at pati na rin 'yang nag-iisa niyong anak. Ayaw ko rin po kayo maging biyenan dahil sa sama ng ugali niyo. Sana po ay ito na rin ang huli nating pagkikita. Maisama niyo po sana 'yang pera niyo sa hukay." Sabi ko at tinalikuran siya. Narinig ko pa ang galit niyang boses habang tinatawag ako ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Dire-diretso akong pumasok sa karinderya at muling bumalik sa gawain ko.

"Okay ka lang?" Biglang tanong ni Ralph.

"Oo, okay lang ako." Sagot ko at ngumiti.

Buong araw ako sa karinderya at pag patak nang alas sais nang gabi ay agad na akong nag-ayos ng sarili ko. Meron na rin akong dalang ulam para sa aming tatlo.

"Tara na?" Tanong ni Ralph. Tumango lang ako at kinuha ang bag ko at inilagay iyon sa likod.

Sinamahan muna ako ni Ralph na mag-abang ng masasakyang jeep. Kanina ko pa siya sinasabihan na umuwi na ngunit ayaw niya hanggang hindi pa ako nakakasakay.

"Madalang pa naman ang jeep dito tapos iiwan lang kita mag-isa." Sabi niya.

"Thank you, Ralph. Buti na lang bukod kay Michelle may kaibigan pa ako rito." Nakangiti kong sabi.

"Wala 'yon." Sagot niya.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago may dumaang jeep. Ayoko pa sanang sumakay dahil mukhang wala ng mauupuan sa loob ngunit nahihiya na ako kay Ralph at kanina pa nandito upang samahan ako.

"Bye, Ralph. Salamat." Paalam ko at sumakay na ng jeep. Halos kalahati na ng puwet ko ang nakaupo. Mas okay na 'to kaysa maghintay ulit ng jeep.

Halos kalahating oras din ang byahe ko bago nakarating sa apartment. Naroon na rin si Geraldine at Charles sa bahay.

"Ate, pumunta kanina rito 'yong driver ni Kuya Grayson at pinapasundo ka." Sabi ni Charles. Kumunot naman ang noo ko. Paano nalaman ni Manong Gilbert ang bago naming apartment?

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon