Enjoy reading!
Kinabukasan ay napasarap ang tulog ko dahil ang lambot talaga nang higaan ko. Parang ayoko na bumangon. Iyong sa apartment kasi namin ay parang banig na lang.
Kahit gusto ko pang matulog at namnamin ang malambot na kama ay kailangan kong bumangon. Agad akong nagmulat ng mata at agad na napakurap nang may nakita akong lalaki na seryosong nakatingin sa 'kin. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatitig sa 'kin.
Teka, sino ba 'to? Hindi naman 'to mapagkamalang magnanakaw dahil base sa suot at mukha ay para siyang mayaman. Agad akong bumangon at tumayo. Napatayo rin siya.
"Finally, you're awake." Seryoso niyang sabi.
"S-sino po kayo? A-at b-bakit po kayo pumasok dito?" Nauutal kong tanong sa kanya. Baka kaibigan 'to ni Sir Grayson. O 'di kaya ay kamag-anak.
"I'm the owner of this house. I'm Grayson Pritzker. And you, what is your name?" Tanong niya. Ibig sabihin ay siya ang amo ko! At naabutan niya akong tulog pa nang ganitong oras. Nakakahiya!
"A-ako po si Ronalyn. Ronalyn Tuazon po, sir. Pasensya na po kayo at late na ako nagising. Sorry po. Mag aayos lang po ako at pupunta na sa kusina." Taranta kong sabi at agad na sinuklay ang aking buhok. At paglingon ko ay naroon pa rin siya at seryosong nakatingin sa 'kin. Sana lang ay huwag niya akong paalisin.
"I'll wait in the kitchen." Sabi niya at agad na naglakad palabas ng kwarto. At doon lang ako nakahinga nang maluwag. Paaalisin niya kaya ako? Huwag naman sana. Malay ko ba na ngayon siya uuwi. Ang sabi kasi ni Michelle ay minsan lang siya umuuwi rito sa Pilipinas. At hindi ko alam na ngayon 'yon.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay dali-dali ako lumabas ng kwarto at mabilis na naglakad papunta sa kusina. At nadatnan ko siya roon na nakaupo sa lamesa. Nakatingin siya sa 'kin habang naglalakad ako. Ano ba naman 'to. Ang hilig niyang tumitig.
"A-ano pong gusto niyong almusal, sir?" Tanong ko.
"No need. I already ate my breakfast." Seryoso niyang sagot habang nakatitig sa 'kin.
"Maiinom po, sir? Kape? Juice?" Tanong ko.
"Give me a cup of coffee." Sagot niya. Agad akong kumuha ng tea cup at nagtimpla ng kape.
Pagkaraan ay naglakad ako papunta sa kanya at binigay ang kanyang kape.
"Thank you." Sabi niya at uminom ng kape. Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya sa ginawa kong kape. Kinakabahan pa rin ako dahil baka wala pang isang linggo ay tanggal na ako sa trabaho dahil sa kapalpakan ko.
"May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" Tanong ko.
"Magluto ka. May bisita akong darating at dito sila kakain ng tanghalian." Utos niya.
"Okay po, sir." Sagot ko.
Pagkatapos niyang uminom ng kape ay lumabas na siya sa kusina. Kaya agad kong hinanda ang mga kakailanganin ko sa pagluluto.
Napangiti ako nang tikman ko ang niluto kong pagkain. Sana ay magustuhan ng mga bisita ni Sir Grayson.
Pagkatapos kong magluto ay agad kong hinanda ang mga pinggan, kutsara at tinidor. Nakalagay na iyon sa lamesa kasama ang mga baso. Naroon na rin ang mga pagkain.
Napatingin ako kay Sir Grayson nang pumasok siya sa kusina.
"Sir, okay na po." Nakangiti kong sabi.
"Good. Nasa labas na ang mga bisita ko." Sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Ninong Grayson!" Rinig kong sigaw ng isang batang lalaki. Agad siyang tumakbo at yumakap kay Sir Grayson.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 4: Grayson Pritzker
RomanceSi Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon...