Chapter 17

6.8K 117 15
                                    





Enjoy reading!

Panay ang tingin ko sa pinto kung saan naroon ang kapatid ko. Halos kalahating oras na sila sa loob at wala pa ring lumalabas na doctor o kahit nurse man lang.

"Ronalyn." Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Michelle at Ralph na nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Kumusta si Charles?" Nag-aalalang tanong ni Ralph.

"Wala pang lumalabas na doctor sa operation room." Sagot ko.

"Nabalitaan ko ang ginawa ni Ma'am Grace kahapon." Turan ni Michelle. Malungkot ko siyang tiningnan.

"Pumayag ka?" Tanong niya muli. Tumango lang ako.

"Paano na ang trabaho mo niyan? Paano na kayo ng mga kapatid mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Huwag mo na kaming alalahanin, Mich. Makakahanap din ako ng bagong trabaho. Sa ngayon ay kailangan ko munang alagaan si Charles." Turan ko.

Halos isang oras din ang hinintay namin. At nang may lumabas na doctor ay sabay kaming tatlo na tumayo.

"Doc, kumusta po ang kapatid ko?" Tanong ko.

"Successful naman ang surgery ng kapatid mo, hija. Ibabalik na namin siya sa dati niyang kwarto upang ma-monitor." Sagot ng doctor at ngumiti. Ngayon lang ako nakahinga nang maluwag sa sinabi ng doctor.

"Thank you po, doc." Sagot ko. Ilang sandali lang ay tulak-tulak na ng dalawang nurse ang hospital bed kung saan naroon ang kapatid ko na walang malay.

Nakasunod kaming tatlo patungo sa kwarto kung saan dadalhin ang kapatid ko. Pagkapasok namin ay agad na inayos ng dalawang nurse ang kapatid ko at pagkatapos ay umalis na.

"Hija, mamaya ay babalik dito ang isang nurse upang ibigay ang mga gamot na iinumin ng kapatid mo. Ito nga pala ang reseta." Bilin ng doctor at inabot sa akin ang isang papel.

"Gamot po? Pero hindi pa po ako nakakabili." Nagtataka kong sabi.

"Bayad na ang mga gamot na iinumin ng kapatid mo, hija." Nakangiting sagot ng doctor.

"S-sino po ang nagbayad?" Nagtataka kong tanong.

"Si Mrs. Pritzker." Sagot niya. Napatingin ako kay Michelle.

"By the way, I need to go. Excuse me." Paalam ng doctor at lumabas na.

Agad akong lumapit sa tabi ni Charles na hanggang ngayon at tulog pa rin. Huminga ako nang malalim at sinuklay ang buhok ng kapatid ko gamit ang aking daliri.

Gagawin ko lahat para sa mga kapatid ko. Kahit ang kapalit nito ay kalungkutan para sa akin. Mas mabuting ako na lang ang makaranas ng hirap, huwag lang ang mga taong mahal ko.

"Talagang gagawin ni Ma'am Grace ang lahat para mapaalis ka lang." Biglang sabi ni Michelle. Agad kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi at humarap da kanya.

"Okay lang 'yon, Mich. Mas mahalaga ang surgery ng kapatid ko." Sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Alam na ba 'to ni Sir Grayson?" Tanong niya. Umiling ako.

"Pero siya ang amo mo at hindi si Ma'am Grace." Turan niya.

"May pakiusap sana ako sa 'yo. Huwag sanang makarating kay Sir Grayson ang nangyaring 'to. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya." Sabi ko.

Halata sa mukha niya ang pagtutol sa sinabi ko ngunit sa huli ay sumuko na rin siya.

"S-sige, kung 'yan ang gusto mo." Sagot niya.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon