Chapter 7

9K 146 31
                                    

Enjoy reading!

Pilit kong inilalayo ang aking sarili sa kanya. Dahil hindi niya pa rin pinuputol ang halikan namin. Nararamdaman ko na rin ang mga kamay niya na gumagala sa aking katawan. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para huminto sa pag galaw. Ngunit naunahan niya ako. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Naramdaman ko ang lamesa sa aking likod. Pinipilit kong kumawala sa mga kamay niya ngunit hindi ko magawa dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak. Huminto lang ang paghahalikan namin nang parehas na kaming naubusan ng hangin.

Buong lakas kong tinanggal ang kamay ko na hawak niya. Ngunit hindi ako makaalis sa harapan niya dahil nakaharang ang kanyang katawan.

"I'm sorry, Ronalyn. Pero hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita." Mahinang sabi niya.

"Sir, nagmamakaawa po ako sa 'yo. Itigil niyo na po 'to kasi hindi na po talaga nakakatuwa." Pagmakakaawa ko.

"Please, Ronalyn. Hayaan mo akong mahalin ka. Hayaan mong ibigay ko sa 'yo ang lahat. Hayaan mong ako ang gagawa ng paraan para mahalin mo rin ako. Just give me a chance to prove to you that I really love you." Hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Wala akong tiwala sa sarili ko.

"Pero, sir, alam ko po na marami ang tututol sa ganito. Ayoko po ng gulo." Sagot ko.

"Don't worry, okay? Hayaan mong protektahan kita sa lahat." Sabi niya. Hindi ako nagsalita pang muli. Hinayaan ko siya sa aking harapan. Gusto kong labanan ang nararamdaman ko. Dahil sa simula pa lang ay alam kong mali talaga.

"Huwag mo ng labanan ang nararamdaman mo, Ronalyn. Alam natin pareho na gusto natin ang isa't isa." Sabi pa niya.

Bumuntong hininga ako 'tsaka siya tiningnan sa mga mata na sana ay hindi ko na ginawa. Nakatitig siya sa 'kin at hindi ko kayang salubungin 'yon.

"Please, baby. Sabihin mo sa 'kin na may gusto ka rin sa 'kin." Pagmamakaawa niya.

"Oo na, gusto k-kita." Nautal kong sabi na ikinangiti niya. Pagkatapos ay niyakap niya.

"Can you say it again, baby?" Mahina niyang sabi habang nakayakap pa rin sa 'kin.

"Gusto rin kita." Ulit ko. Kumalas siya mula sa pagkakayakap at humarap sa 'kin.

"I love you, Ronalyn." Sabi niya at nagulat ako ng hinalikan niya ako. Mabilis lang 'yon na halik.

"Pero, sir---" napahinto ako sa sasabihin ko ng halikan niya ulit ako.

"Bakit po ba kayo halik nang halik?" Tanong ko.

"Don't call me sir. I'm your boyfriend now." Seryoso niyang sabi. Boyfriend? Umamin lang ako sa kanya. Boyfriend ko na agad siya?

"Boyfriend? Umamin lang po ako. Paano kita naging boyfriend agad?" Gulat kong tanong. Ngumiti siya sa'kin.

"Baby, gusto natin ang isa't isa. Ibig sabihin ay pagmamay ari na kita. You're my girlfriend now, and I am your boyfriend." Sabi niya at ngumiti. Gano'n ba 'yon? 'Di ba dapat ay manligaw muna siya?

"Pero may hihilingin sana ako." Sabi ko kaya nawala ang ngiti niya.

"Ano 'yon?" Seryoso niyang tanong.

"Pwede bang ilihim muna natin 'to? Ayokong may makaalam ng tungkol sa relasyon natin." Sagot ko. Kumunot ang noo niya.

"Why?" Tanong niya.

"A-ayoko lang talaga na malaman nila ang tungkol sa relasyon natin." Iyon lang ang tanging naisagot ko. Pero ang totoo ay hindi pa talaga ako handa sa mga sasabihin ng mga tao sa 'kin. Lalo na ang pamilya niya.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon