Chapter 13

7.3K 118 25
                                    


Enjoy reading!

KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa katok mula sa pinto ng aking kwarto. Tiningnan ko ang oras at alas sais pa lang nang umaga. Agad akong bumangon at inayos ang aking sarili at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Mukha ni Manong Gilbert ang bumungad sa akin at halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Hija, mag-ayos ka na ng sarili mo dahil papunta rito ngayon si Madam Grace. Tumawag sa akin si Michelle dahil hindi mo raw sinasagot ang tawag niya." Sabi niya.

"S-sige po. Salamat po Manong Gilbert. Mag-aayos lang po ako." Sagot ko. Agad na rin siyang nag paalam at sinarado ang pinto.

Mabilis ang bawat kilos ko. Agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang rice cooker at agad na nagsaing.

Pagkaraan ay kinuha ko ang walis tambo para magsimula ng pagwawalis rito sa kusina. Nasa kalagitnaan ako nang pagwawalis nang pumasok sa kusina si Ma'am Grace at hindi siya nag-iisa. Sumunod na pumasok ay Si Xiannara na nakataas na ang kilay sa akin.

"G-good morning po." Bati ko sa kanila.

"Mabuti naman at sumunod ka sa usapan natin, hija." Sabi ni Ma'am Grace. Ang tinutukoy niya ay ang pagpilit ko sa anak niya na bumalik ng Italy. Naglakad siya palapit sa lamesa at ganoon din si Xiannara.

"Wala ka bang balak na umalis rito?" Tanong ni Xiannara.

"Po?" Nabigla ako sa tanong niya kaya iyon lang ang tangi kong nasagot.

"Are you deaf?" Masungit niyang tanong at inirapan pa ako.

"Enough, Xiannara. Ronalyn, pagkatapos mong magwalis at mag lampaso ng sahig nang buong bahay ay paki walisan na rin ang nasa labas." Utos ni Ma'am Grace.

"S-sige po, Ma'am." Sagot ko at nagpatuloy sa pagwawalis.

"Oh, I forgot. Dalhan mo kami ng tea sa sala. Ngayon na." Utos niya at naglakad palabas ng kusina. Samantalang si Xiannara ay tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa at ngumiti na nang-aasar bago naglakad palabas din ng kusina.

Huminto ako sa pagwawalis at sinunod ang inuutos ni Ma'am Grace.

Patapos na ako sa pag gawa ng iinumin nilang tea nang tumawag si Michelle kaya agad kong sinagot.

"Hello, Mich." Sagot ko.

"Hello, Rona. Ayos ka lang ba dyan? Pasensya ka na hindi ako sinama ni Mrs. Pritzker." Sabi niya at halata sa boses ang pag-aalala.

"Okay lang. Hindi naman nila ako sinasaktan dito." Sagot ko.

"Sige, tumawag lang ako para kumustahin ka. Baka kasi inaapi ka na nila dyan. Kasama pa niya naman si Xiannara. Sige na, tawagan mo ako kapag may ginawa sila sa 'yo." Sabi niya. Napangiti ako. At least may kaibigan ako na handa akong tulungan at ipagtanggol.

"Sige. Salamat." Sagot ko at agad na tinapos ang tawag.

Agad kong dinala ang gawa kong tea at dalawang baso. Nang papalapit na ako sa kanila ay nakatingin sila sa akin at seryoso ang mga mukha. Agad kong inilapag sa harap nila ang iinumin nilang tea.

"May ipag-uutos pa po ba kayo?" Magalang kong tanong.

"Lagyan mo ng tsaa ang mga baso namin." Utos ni Xiannara na agad ko namang sinunod. Nang matapos ay agad na akong nagpaalam sa kanila at bumalik sa kusina upang ipag patuloy ang paglilinis roon.

Pagkatapos kong mag walis sa kusina, sa sala at sa mga kwarto na nasa baba ay agad kong sinunod ang pag lampaso ng sahig. Wala namang masyadong dumi ang sahig kaya hindi ako nahirap sa pag punas.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon