Chapter 8

8.8K 150 20
                                    


Enjoy reading!

Pagsapit ng hapon ay agad na akong naghanda ng lulutuin kong sisig at adobong manok. Ito na lang ang natitira sa ref na pwedeng lutuin. May roon namang naghahatid ng mga grocery dito sa bahay ni Sir Grayson. Pero paubos na kasi ang mga pinamili niya at hindi pa siya muli nakapunta rito para maghatid ng mga grocery. Baka nakalimutan niya. Kaya mamaya ay magpapaalam ako na ako na ang bibili ng mga pangangailangan dito sa loob ng bahay.

Ang una kong lulutuin ay ang sisig. Kaya sinimulan ko ng hiwain ang baboy nang maliliit. Pagkatapos ay nag sliced din ako ng siling haba at ang iba pang sangkap para sa lulutuin kong sisig.

At habang niluluto ko na ay naaamoy ko ang masarap na amoy kaya bigla akong nagutom. Isa ito sa pinaka paborito kong pagkain. Lalo na kapag maraming sili.

Nang matapos kong lutuin ang sisig ay sunod kong niluto ang adobong manok. Sana ay magustuhan ni Sir Grayson ang mga niluto ko.

Nang matapos na ako magluto ay agad kong inayos ang lamesa. Hindi ko alam kung anong oras darating si Sir Grayson kaya mas mabuti ng nakahanda na ang lamesa para kakain na lang siya.

Ngunit hindi pa ako tapos sa pag-aayos ng lamesa nang marinig kong bumukas ang pinto. Siguro ay si Sir Grayson na iyon. Kaya huminto ako sa pag-aayos ng lamesa at nakangiti siyang sinalubong. Ngunit agad na nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita ko kung sino ang pumasok.

"Bakit gulat na gulat ang mukha mo? Hindi mo ba babatiin ang girlfriend ng amo mo?" Mataray niyang sabi. Girlfriend? Ibig sabihin ba nito ay pinagsabay kaming dalawa ni Xiannara?

"M-magandang hapon po, ma'am." Bati ko sa kanya. Umupo siya sa sofa na para bang siya ang may-ari ng bahay.

"Bigyan mo nga ako ng maiinom." Utos niya.

"Sandali lang po at kukuha ako." Sagot ko at bumalik sa kusina. Siguro naman ay okay na sa kanya ang juice.

Agad akong nagtimpla ng juice at nagsalin sa isang baso. At pagkatapos ay lumabas ako ng kusina at ipinatong ang isang baso ng juice sa lamesa na nasa harapan niya.

"May ipag-uutos pa po ba kayo, ma'am?" Magalang kong tanong. Tiningnan niya lang ako at kinuha ang juice. At nagulat ako nang itinapon niya iyon sa mukha ko. At tumawa pa siya.

"Walang dahilan para hindi bumalik si Grayson sa ibang bansa. Now, tell me ikaw ba ang dahilan kung bakit ayaw ng umalis ni Grayson ng Pilipinas?" Seryoso niyang tanong. Bakit ako? Ako nga ba ang dahilan?

"H-hindi po ako--"

"Yes. Siya nga ang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik sa ibang bansa. May problema ba tayo ro'n, Xiannara?" Nagulat ako sa pagdating ni Sir Grayson. At pati na rin sa naging sagot niya. Sa kanya na mismo galing na ako ang dahilan.

Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Meet my girlfriend. Her name is Ronalyn." Pagpapakilala niya sa akin kay Xiannara at itinaas pa niya ang mga kamay namin na magkahawak.

"Are you crazy, Grayson? Isang kahihiyan para sa pamilya mo na magkaroon ng girlfriend na katulong. Hindi ka ba nag-iisip?" Galit na sabi ni Xiannara habang nakatingin sa amin.

"Shut up and leave, Xiannara. Wala akong pakialam sa mga sasabihin mo. Pagkatapos ng ginawa mo sa girlfriend ko ay akala mo mapapatawad pa kita?" Sagot ni Sir Grayson. Ngayon ko lang naramdaman ang malagkit sa mukha ko.

"How about me, Grayson? Bakit hindi ako?" Bigla akong naawa kay Xiannara.

"Stop this nonsense, Xiannara. Huwag ka na ulit pumunta dito sa bahay ko." Seryosong sabi ni Sir Grayson.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon