Chapter 9

7.8K 144 27
                                    



Enjoy reading!

Kinabukasan, katulad nang palagi kong ginagawa ay maaga akong gumising at nag ayos ng aking sarili. Pagkatapos ay pumunta na kaagad ako sa kusina upang magsaing at pagkatapos ay nagluto ng ulam. Nakalimutan ko pala sabihin kahapon kay Sir Grayson na ako na lang ang bibili ng mga kakailanganin dito sa bahay niya. Katulad ng mga pagkain. Tutal ay ako naman ang nakakaalam ng mga meron at wala rito sa bahay niya.

Nang matapos akong magluto ng ulam ay naisipan kong mag sangag ng kanin. Ako lang naman siguro ang kakain nito dahil mukhang hindi naman gusto ni Sir Grayson ang mga ganitong luto kaya kaunti lang ang sinangag ko.

"Good morning." Napalingon ako kay Sir Grayson nang magsalita siya. Nakabihis na siya at handa ng umalis.

"Good morning." Balik na pagbati ko sa kanya at bumalik ang tingin ko sa aking niluluto.

"What's that?" Nagulat pa ako nang nasa likod ko na siya at ang lapit niya sa 'kin. Amoy na amoy ko tuloy ang ginagamit niyang pabango.

"A-ano po, sinangag." Nauutal kong sagot.

"Bakit kaunti lang ang niluto mo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang tanong.

"Po? Para lang po ito sa akin. Hindi ka naman po kumakain nito, 'di po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Who told you? Lahat ng lulutuin mo ay kakainin ko." Muntik ko ng makalimutan ang niluluto ko dahil sa sinabi niya. Agad kong pinatay ang apoy at saka inilipat sa isang plato ang niluto kong sinangag na kanin.

"H-hatiin na lang natin ito." Sagot ko at inilapag sa lamesa ang sinangag na kanin.

Naglakad siya at umupo sa kaharap ko na upuan. Umupo rin ako.

"Ngayon ko lang nalaman na paborito mo pala ang sinangag." Sabi niya at sumandok ng sinangag na kanin. Mukhang mabibitin ako sa niluto ko dahil meron akong kahati. Ngayon ko lang din nalaman na kumakain din siya nito.

"Iyan minsan ang umagahan namin ng mga kapatid ko. Kahit wala ng ulam basta ba may panulak na kape." Sabi ko.

"Mukhang magugustuhan ko na rin itong sinangag mo. Pwede bang lutuan mo ako ulit bukas ng umaga?" Napahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.

"Seryoso ka? Baka napipilitan ka lang na kainin 'yan ha." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Of course not. Nabitin lang ako sa kinain ko ngayon. Kaya bukas ay damihan mo." Sabi niya at tiningnan ko ang pinggan niya na wala ng laman. Wala na ring tirang sinangag. Talagang nagustuhan niya 'yong sinangag ko na kanin.

Huminto lang ang pag-uusap namin nang tumunog ang kanyang selpon hudyat na may tumatawag sa kanya.

"Sagutin ko kang 'to." Paalam niya at agad na naglakad palabas ng kusina.

Agad ko namang tinapos ang pagkain ko at pagkatapos ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan.

"I need to go. Meron pa akong meeting." Napalingon ako sa kanya.

"May sasabihin sana ako." Sabi ko.

"What is that?" Tanong niya.

"Pwede ba na ako na lang ang bibili ng mga kailangan dito sa bahay mo? Tutal ay alam ko naman kung ano 'yong wala rito sa bahay mo na dapat kong bilhin." Sabi ko.

"Kung iyan ang gusto mo, sige." Sagot niya at binuksan ang wallet niya at kinuha ang isang card.

"Kunin mo 'to. Gamitin mo 'to kapag mag grocery ka." Sabi niya at iniabot sa akin ang hawak niyang card. Agad ko 'yong kinuha.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon