Epilogue

9.1K 137 14
                                    



Enjoy reading!

Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ay nagpaalam na rin si Grayson na uuwi raw muna siya sa kaniyang bahay upang kumuha ng damit ko.

At habang hinihintay siya ay bumalik ako sa kuwarto kung saan naroon si Mrs. Pritzker. Naabutan kong pinapakain siya ng kaniyang nurse. Hindi ko siya kayang tingnan dahil naaawa lang ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa kaniya.

"Ma'am, maupo muna kayo." Sabi ng nurse at tinuro ang upuan sa kaniyang tabi. Tumango at ngumiti ako at umupo sa tabi niya.

"Salamat." Aniko.

Tinitingnan ko lang si Mrs. Pritzker habang sinusubuan siya ng kaniyang personal nurse. Hirap na rin siyang lumunok ng pagkain dahil sa kondisyon niya.

Ilang sandali lang ay natapos rin ang pagkain niya at nagpaalam muna ang kaniyang nurse dahil ihahatid niya ang lagayan sa kusina kaya naiwan ako rito sa loob ng kuwarto kasama si Mrs. Pritzker.

"R-ronalyn." Nahihirapan niyang tawag sa pangalan ko. Agad akong lumapit sa kaniya at nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay.

"Mrs. Pritzker." Wika ko.

"I-ingatan m-mo s-si...G-grayson. I-iwan k-ko s-siya s-sa 'yo, h-hija." Sabi niya at huminga nang malalim.

"Mrs. Pritzker." Nag-aalala kong sabi.

"M-mahalin...n-niyo a-ang i-isa't isa. I-ikaw n-na a-ang...b-bahala s-sa k-kaniya..." Sabi pa niya at muling huminga nang malalim na ikinataranta ko.

"Ma'am, ano pong nangyari?" Tarantang tanong ng nurse nang pumasok siya.

"Mrs. Pritzker, huwag po kayong magsalita ng ganiyan. Magpahinga po muna kayo." Nag-aalala kong sabi habang hawak ang kamay niya.

Mabilis na lumapit sa amin ang nurse kaya bahagya akong lumayo habang hindi pa rin maalis ang pag-aalala para kay Mrs. Pritzker.

"What happened?" Napatingin ako muli sa pinto nang pumasok roon si Grayson na may dalang isang bag.

"Nahihirapan pong huminga si madame, sir." Tarantang sabi ng nurse at inaayos ang mga apparatus na naka kabit kay Mrs. Pritzker. Nilagyan siya ng oxygen ngunit hindi sapat iyon.

Agad na binitiwan ni Grayson ang damit na dala niya at mabilis na lumapit sa ina niyang nag aagaw buhay.

"Ma, don't leave me, please." Pagmakakaawa ni Grayson habang hawak ang kamay ng kaniyang ina. Hindi ko na rin napigilan ang luha kong tumulo.

Ngunit ilang saglit lang ay dire diretso ng tumunog ang monitor na nasa gilid ng kaniyang higaan. At kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ni Grayson habang hawak ang kamay ng kaniyang ina. Lumapit ako sa kaniya at agad siyang niyakap.


Hindi madaling tanggapin ang pagkamatay ni Mrs. Pritzker. Ilang araw din ang naging lamay bago siya hinatid sa kaniyang huling hantungan.

Nagkita rin kami ni Xiannara noong araw na iyon. At katulad nang palagi niyang ginagawa ay masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo para pumunta rito sa libing ni Tita Grace." Mahina niyang sabi.

"Xiannara, puwede ba kahit ngayong araw lang ay tantanan mo ako? Ayokong magkaroon ng gulo sa huling araw ni Ma'am Grace." Mahina kong sabi.

"May araw ka rin sa 'kin, Ronalyn." Huli niyang sinabi bago siya tuluyang umalis sa tabi ko.

Tiningnan ko rin si Grayson dahil ramdam ko ang lungkot niya noong namatay ang kaniyang ina. Namatayan din ako ng mga magulang kaya alam ko ang sakit na nararamdaman niya.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon