Chapter 19

6K 109 21
                                    



Enjoy reading!

Pagkalapag ng sinasakyan naming eroplano ay isa-isa ng tumayo ang mga kasamahan namin sa loob ng eroplano upang kunin ang mga gamit nila sa itaas. At ganoon rin ang ginawa naming tatlo. Nagpahuli kami ng pagbaba dahil na rin sa kalagayan ni Charles. Ilang minuto rin ang hinintay namin at nang kami na lang ang natira ay nauna si Geraldine na naglakad habang nakasunod si Charles at nakaalalay ako sa likod niya.

Pagdating sa may pinto ng eroplano ay ngumiti ang mga stewardess sa amin at nagpasalamat.

Nang tuluyan na kaming makababa ng eroplano ay agad kong naramdaman ang init ng panahon sa Manila.

Kahit kinakabahan ay nakipag sapalaran kami rito. Dahil kung hindi ko gagawin iyon baka mamamatay kami sa gutom sa San Miguel.

Paglabas namin ng airport ay may sumalubong sa amin na isang lalaki at huminto sa harapan namin.

"Magandang umaga po. Kayo po si Ronalyn Tuazon?" Tanong niya.

"O-opo. Bakit po?" Nauutal kong tanong.

"Pinapasundo po kayo ni Mrs. Tilano, ma'am. Ako na po riyan sa mga gamit niyo." Magalang niyang sabi at kinuha sa kapatid ko ang mga dala naming gamit.

Agad din kaming sumunod sa kaniya at huminto siya sa isang itim na kotse at inilagay ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Agad ko namang binuksan ang back seat upang doon paupuin si Charles at Geraldine.

"Kunin ko na po 'to, ma'am." Paalam ng driver at kinuha ang saklay ni Charles sa gilid.

Nang makita kong okay na si Charles at Geraldine sa back seat ay agad ko namang binuksan ang pinto sa front seat. Sumakay na rin ang driver at agad na pinaandar ang sasakyan.

"Kuya, taga saan po ba sina Mrs. Tilano?" Tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

"Taga Cavite po sila, ma'am." Sagot niya habang diretso ang tingin sa dinadaanan.

Wala akong alam dito sa Manila kaya hindi ko alam kung malapit na ba kami o aabutin pa nang ilang oras ang magiging biyahe namin bago makarating sa Cavite na sinasabi ng driver.

Sinilip ko mula sa rear view mirror ang dalawa kong kapatid na ngayon ay tulog at halatang napagod sa biyahe namin kanina sa eroplano.

Totoo nga ang sinasabi nila. Maraming mga nagtataasang mga gusali rito sa Manila. At kapag hindi ka sanay ay talagang maliligaw ka. Ngunit namamangha pa rin ako sa nagtataasang mga gusali na alam kong malaking halaga rin ang ginastos upang matapos ang mga ito.

Halos dalawang oras din ang naging biyahe namin dahil naabutan kami ng traffic. Huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang malaking gate. Ilang saglit lang ay bumukas iyon kaya agad na ring pumasok ang sasakyan sa loob.

Pagkahinto ng sasakyan ay agad na akong lumabas at binuksan ang pinto sa back seat. Tulog pa ang dalawa ngunit kailangan ko na silang gisingin dahil narito na kami.

"Geraldine, Charles, gising na." Paggising ko sa kanila at mahinang tinapik ang mga braso nila. Agad naman silang gumising at bumaba ng sasakyan.

Binigay sa akin ng driver ang saklay ni Charles kaya binigay ko rin iyon sa kapatid ko at inalalayan siya.

"Hello, you are Ronalyn Tuazon?" Nagulat pa ako nang biglang may nagsalita sa harapan namin na isang babae. Halata na sa mukha niya ang pagiging matanda niya ngunit napaka ganda niya pa rin tingnan. At sa tabi niya ay ang isang matanda rin na lalaki.

"H-hello po, ma'am. Ako po si Ronalyn Tuazon." Pagpapakilala ko.

"Nice to meet you, Ronalyn. Sila ba ang mga kapatid mo?" Tanong niya.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon